Title: Especifismo
Subtitle: Ang Anarkistang Pamamaraan sa Pagbuo ng mga Kilalang Samahan at Rebolusyonaryong Kilusan
Author: Adam Weaver
Language: Tagalog
Date: 2006
Source: Retrieved on 2020-12-30 from https://blackrosefed.org/especifismo-tagalog/
Notes: This article appears here in Tagalog thanks to an anonymous translator. Translated from “Especifismo: The Anarchist Praxis of Building Popular Movements and Revolutionary Organization.”

Makasining na paglalarawan ng babaeng nakataas ang kamao at may lilang buhok. Unang nalathala sa “Northeastern Anarchist #11” noong Tagsibol (Spring) 2006, Ang Anarkistang Pamamaraan sa Pagbuo ng mga Kilalang Samahan at Rebolusyonaryong Kilusan ay naging pambungad na artikulo sa wikang ingles ukol sa koncepto ng especifismo. Bagamat maikli at limitado ang saklaw, ito ay naging pamantayang teksto na pambungad sa mga pagsasalin sa ibat ibang wika at ngayon ay ginagamit na ng mga samahang pampulitika sa Latin America. Ito ay batay sa mga nauna nang pagsasaling wika at pakikipagpalitan ng mga kuru kuro ni Pedro Rebeiro na isang anarkistang Brazilian-American, nguni’t nang simulan niya itong ilathala nagsimula na rin ang iba’t ibang uri ng pagsasaling wika nito na lalong nagpalalim, nagpaigting at nagpayaman sa pag-unawa sa especifismo. Kabilang na rito ang Federacion Anarkista Uruguaya’s 1972 theoretical piece na “Huerta Grande” at ang maraming kabanatang aklat na “Social Anarchism and Organization” ng Federacao Anarquista do Rio de Janeiro (FARJ).


Sa buong daigdig, ang pakikilahok sa mga pangmasang kilusan pati na rin ang pag unlad ng mga partikular na anarkistang samahan ay nasa pagtaas. Ang kalakarang ito ay tumutulong sa anarkismong mabawi ang pagiging lehitimo nito bilang isang malakas na puwersang politikal sa loob ng mga kilusan at sa ganitong kalagayan, ang Especifismo, isang konseptong sumibol matapos ang 50 taong karanasan sa ilalim ng anarkiyang pamamaraan sa Timog Amerika ay lumalaganap na sa buong daigdig. Kahit

pa maraming mga anarkista ay nakakaintindi sa karamihan ng mga ideya patungkol sa especifismo, nararapat lamang na tukuyin ito bilang isang orihinal na ambag sa anarkistang kaisipan at gawain.

Ang kaunaunahang samahang nagpalaganap ng konseptong Especifismo – na noon ay isa lamang gawain o praxis at hindi pa isang malaganap na ideolohiya – ay ang Federacion Anarquista Uruguaya (FAU), na itinatag noong taong 1956 ng mga militanteng anarkista ng bansang Uruguay kung saan niyakap ng kanilang organisasyon ang kaisipang anarkista. Nakaligtas sa diktadurang pamahalaan ng Uruguay, ang FAU ay lumitaw o naitatag noong kalagitnaang dekada ’80 upang pagtibayin ang pakikipag ugnayan at maakit ang iba pang mga bansang nasa ilalim ng rebolusyunaryong anarkista sa Katimugang Amerika. Ang mga adhikain at mga gawain ng FAU ang tumulong sa pagtatatag ng Federacao Anarquista Gaucha (FAG), ang Federacao Anarquista Cabocia (FACA), at ang Federacao Anarquista do Rio de Janeiro (FARJ) sa kani kanilang rehiyon sa Brazil, at ang mga rebeldeng samahan sa Argentina na kung tawagin ay Auca (Rebel).

Habang ang mga pangunahing konsepto ng especifismo ay malawakang matatalakay sa kabuuan ng artikulong ito, maaari itong maisabuod sa tatlong matitinding paksa o bahagi:

  • Ang pangangailangan para sa anarkistang samahan na natatag dahilan sa pinag-isang ideya at pamamaraan.

  • Ang paggamit sa partikular na samahan upang bumuo ng mga teorya, bumuo ng mga estratehiyang pang political at mga gawaing pang organisa.

  • Masigasig na pakikilahok sa pagtatatag ng malaya at bantog na samahang pang lipunan.

Maikling Pagtanaw Sa Kasaysayan

Habang patungo sa panahon ng anarkismo ang Latin America sa nakalipas na ilang dekada, ang mga napapaloob sa kaisipang especifismo ay may kinalaman sa kasaysayan sa loob ng pandaigdigang kilusang anarkiya. Ang pinaka bantog ay ang Platformist o Simulaing Pangkasalukuyan, na nagsimula sa pagkaka lathala ng

“Organizational Platform of the Libertarian Communists”. Ang dokumentong ito ay isinulat noong 1926 ng isang dating pinuno ng mga mambubukid na si Nestor Makhno, Ida Mett at iba pang grupong militante ng Dielo Trouda (Workers’ Cause), batay sa pahayagang

may parehong pangalan (Skirda, 192–213). Ang mga ipinatapon ng Russian revolution na naka base sa Paris na mga Dielo Trouda ay pinuna o binatikos ang kilusang anarkista dahil sa kanilang mahinang pagkakabuklod na siyang naging dahilan upang mapigilan ang sama samang pagtugon sa makinaryang Bolshevik tungo sa kanilang pagiging instrumento ng one-party rule. Ang isa pang alternatibong ipinanukala ay ang “General Union of Anarchists” na base naman sa Anarchist-Communism na nagsumikap para sa pagtataguyod ng “theoretical and tactical unity” at pagtuunang pansin ang malawakang pakikibaka ng mga samahang manggagawa (Labor Union).

Iba pang katulad na paglaganap ng mga kaisipang “Organizational Dualism” na nabanggit sa mga dokumentong pangkasaysayan ng Kilusang Anarkista ng Italya noong taong 1920. Ginamit ang katagang “organizational dualism” upang mailarawan ang pagkakasangkot ng mga miyembro na parehong kasapi ng anarkistang samahan ng mga politiko at sabayang kasapi din ng samahang militante ng mga manggagawa (FdCA). Sa Espana (Spain) ang grupong “Friends of Durruti” ay lumutang na samahang tutol sa unti unting pagbaligtad o pagbabago ng Spanish Revolution noong taong 1936 (Guillamon). Sa artikulong “Towards a Fresh Revolution” tinularan ng mga Kastila ang ibang kaisipan ng Platform (o Simulain) na bumabatikos sa unti unting pagbabago ng CNT-FAI’s dahil sa pakikipagsabwatan nito sa pamahalaang Republikano (Republican Government). Dito sinabi nilang ang pamahalaang Republikano ang tumulong upang madaig o matalo ang kilusang anti-fascist at rebolusyunaryong puwersa. Sa China naman, ang maimpluwensiyang organisasyon ng mga anarkistang tsino noong taong 1910 – tulad ng Wuzhengfu-Gongchan Zhuyi Tongsi Che (Society of Anarchist-Communist Comrades), ay nagsulong ng parehong kaisipan (Krebs). Habang marami ang iba’t ibang pangyayari sa kasaysayan, bawa’t bansang pinagmulan ng mga kilusang anarkista, ang mga ito ay may kani kaniyang katangiang at kakaniyahang nakapagdulot na makabuo ang bawa’t isa ng kilusan at lahat ng mga bansang ito ay nagbahagi ng mga karaniwang diwa o prinsipyong bumabagtas sa bawa’t kilusan, panahon at kontinente.

Espacifismo Idinetalye

Ang mga especifismo ay may tatlong kahalagahan sa kanilang mga hakbanging politikal, ang unang dalawa ay nasa antas o level ng organisasyon. Sa pamamagitan ng pagpapataas ng pangangailangan para sa pagtatatag ng samahang anarkistang ito ay binabalot ng isang pagkakaisang mga ideya at praxis. Likas na ipinahayag ng mga especifist ang kanilang pagtutol sa ideya ng anarkistang hindi nakikiisa sa isang organisasyong rebolusyunaryo. Inilalarawan nila ang ganitong uri ng samahan ay lumilikha ng isang malawakang paghahanap sa napakahalagang pagkakaisa ng mga anarkista at ito ay karapat dapat lamang na makamtan sa paano mang paraan at halaga, dahil sa takot mamiligro ang posisyon, ideya at panukala na minsan ay hindi mapagkasunduan.

Ang ganitong uri ng bukluran ay resulta ng kolektibong pananalig sa doktrina ng kalayaang sibil (civil liberties) at wala nang hihigit pa sa karaniwang pananaw na ituring ang kanilang mga sarili bilang anarkista.

(En La Calle)

Habang binabatikos ang mga especifista ng South America, ang mga North American especifist naman ay nagaalok ng kanilang mga karansang bumuo ng organisasyong nagkukulang sa makahulugang samahan dahil sa kulang sa pakikiisa dahil na din sa iba’t ibang magkakasalungat na paniniwalang politikal. Kadalasan ang pangunahing kasunduan ng pangkat ay bumabalot sa isang hindi malinaw, “least common denominator” politics na nagiiwan lamang ng napakaliit na puwang para sa magkakaisang aksyon o nabuong talakayan ng mga kasamahan sa pulitika.

Sa kawalan ng pamamaraan na nagmumula sa isang kasunduang politikal, ang mga samahang rebolusyunaryo ay nakagapos sa reaktibismo laban sa patuloy na paniniil, pang aapi at kawalang katarungan at patuloy na walang bungang aksyon daan upang ang mga ito ay paulit ulit lamang na mangyayari, kaakibat ang kaunting pagsusuri o kakulangan sa pag unawa ng mga maaari pang mangyari (Featherstone et al). Ang Espesifista ay ninabatikos ang ugaling itinutulak ng bigla at kani kaniyang pagkilos at hindi ito patungo sa isang seryoso at sistematikong pamamaraang mahalaga sa pagtatayo ng kilusang pang rebolusyunaryo. Ang mga rebolusyunaryong Latin American ay pinahahalagahan ang mga samahang may kakulangan sa programang

“tinatanggihan o inaayawan ang disiplina sa pagitan ng mga militante at ‘ayaw tukuyin ang sarili’ o ‘iakma ang sarili’… ay mga direktang tagapagmana at tagapagtaguyod ng mapagpalayang burgis, na nagpapagalaw o nagre react lamang kapag malakas ang stimulus, nakikilahok lamang sa mga pakikibaka sa mga sukdulang pagkakataon lamang, ayaw o tumatangging magtrabaho nang tuloy tuloy, lalo na sa mga pagkakataong namamahinga sa pagitan ng mga pakikibaka”.

(En La Calle)

Ang pagdidiin sa pamamaraang Especifismo ay isinasakatuparan ng samahang anarkista, ang pamamaraang ito ay binalangkas sa pamamagitan ng pagsangayon ng mga kasapi sa napagkasunduang pulitikal. Ito ay naging isang daan tungo sa pagpapaunlad ng mga pangkaraniwang stratehiya at ito din ang magiging daan upang tunay na magpakita ng kung gaano na din ang kanilang kakayahan sa pag oorganisa. Napananatili ng sama samang responsibilidad na panghawakang maipatupad ang mga plano at mga gawain, tiwala sa pagitan ng mga kasapi at bawa’t pangkat ang siyang nagbigay daan para sa isang malalim at mataas na antas na talakayan ng kanilang bawa’t pagkilos. Binibigyang laya nito ang samahang lumikha ng kolektibong pagsusuri, bumuo ng agaran at pangmatagalang mga layunin at patuloy na sumasalamin at nagpapabago ng kanilang mga planong gawain batay sa mga natutunang mga aral at mga pangyayari.

Mula sa mga kasanayang ito at mula na rin sa mga batayan ng kanilang mga prinsipyo sa ideolohiya nararapat lamang na maghangad ang mga rebolusyunaryong samahan na lumikha ng isang programa o hakbanging nagtatakda ng mga maiikli at pansamantalang adhikain na tutulong makalikha patungo sa mga pangmatagalang layunin:

Ang programa ay nararapat na magmula sa isang mahigpit na pagsusuri ng lipunan at ang ugnayan ng mga puwersang bahagi nito. Nararapat lamang na ang pundasyon inito ay ang mga karanasan sa pakikibaka ng mga naaapi, at ang kanilang mga adhikain na nagmumula sa mga elementong ito ay dapat na magtakda ng mga layunin at gawaing pamamarisan ng mga rebolusyunaryong organisasyon upang mapagtagumpayang makamit hindi lamang ang pangwakas na layunin kundi pati na rin ang mga agarang layunin.

(En La Calle)

Ang huling punto, nguni’t isa sa pangunahing susi sa mahusay na pagsasanay ng ESPECIFISMO ay ang ideyang “pagpasok sa lipunan” ( social insertion”). Nagmula ito sa paniniwalang ang mga inaapi ay ang pinaka rebolusyunarong sektor ng lipunan, at ang binhi ng hinaharap ng pagbabagong anyo ng lipunan ay nananatili sa mga uring iyon at pangkat ng lipunan. Social insertion ay nangangahulugan ng anarkistang pakikilahok sa pang araw araw na pakikipaglaban ng mga naaapi at mga sektor ng mga manggagawa. Hindi ibig sabihin nito ay pagkilos ng dahil sa iisang isyu lamang na kinasasangkutan ng mga tradisyunal na political activists, kindi sa loob ng kilusang ito ay ang pagsisikap ng mga mamamayang naghahangad na mapabuti ang kalagayan ng kanilang mga pamumihay na naiisabay sa kanilang mga adhikaing hindi laging nakabatay eksklusibo sa mga pangangailangang materyal kundi nag-uugat na rin sa kasaysayang sosyal at historical na pangangailangang salungain o labanan ang pag atake ng estado at ng kapitalismo. Kasabay din dito ang samahang kilos protestang pinamumunuan ng mga empleyadong Rank & File, kilusang komunidad ng mga imigranteng humihiling na maging legal ang kanilang pananatili sa bansa, samahan ng mga magkakapitbahay upang labanan ang mga karahasan at pagpatay ng mga kapulisan, mga estudyanteng nagsisipagtrabaho na labanan ang pagbabawas ng badyet para sa mga mag aaral, at mga mahihirap at walang trabahong sumasalungat sa pagpapalayas st pagpapahinto sa mga serbisyong natatanggap.