Errico Malatesta
Anarkiya at Pamahalaan
Ang anarkiya ay isang salita na nagmula sa wikang Griyego. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay “walang pamahalaan.”
Ang salitang anarkiya ay ginamit sa paglalarawan nang pagkawala ng organisasyon at pagkakagulo. Ito pa rin ang ginagamit na salita hanggang ngayon sa paglalarawan sa pagkakagulo ng mga tao na nais ibahin ang katotohanan.
Ang paniniwala na ang anarkiya ay isang kundisyon kung saan ang paligid ay magulo ay nagmula sa paniniwala na kinakailangan ang isang pamahalaan upang maayos ang takbo ng buhay ng mga mamamayan. Kasama din dito ang paniniwala na kung walang pamahalaan ay magiging magulo, maghahari ang iba at, gaganti ang mga naaagrabyado o naloko at ilalagay ng mga ito ang batas sa kanilang mga kamay.
Lahat na bagay na nabubuhay sa ibabaw ng mundo gaya ng tao ay bumabagay sa kondisyon: ng kanilang paligid upang mabuhay. Ito ang kanilang ginagawa na nama na nila sa kanilang mga ninuno. Kayat dahil sa ipinanganak na walang laya dahil alipin ang pinagmulan, ang tao, nang siya ay magsimulang mag-isip ay inakala na niya kinakailangan silang maging alipin upang mabuhay. Para sa kaniya, ang kalayaan ay parang imposible. Sa ganitong paraan, ang isang manggagawa na sa loob ng maraming siglo ay umaasa sa kaniyang amo para sa kaniyang trabahong ikinabubuhay ay nasanay na ang buhay niya ay pinatatakbo ng mga tao mayroong kapital at lupa. Ang manggagawa ay naniniwala na utang na loob niya sa kaniyang mga amo.
Isa pang nagpalawak sa paniwalang ito ay ang epekto ng edukasyon na binigay sa mga tao ng kanilang mga amo, guro, pari at iba pang mga tao na naniniwala na kinakailangan ang pamahalaan. Maari din nating idagdag dito ang imga huwes at mga pulis na siyang pumipilit sa mga mamamayan na mayroong ibang paniwala.
Ang sitwasyon ay maaring ihambing sa isang manggagamot na: nagpapaniwala sa isang taong nakagapos na kung kalagin ang kaniyang gapos, siya ay mamatay. Dahil sa paniwalang ito ang taong nakagapos ay tiyak na lalaban kapag ang gapos niya ay tatanggalin. Ituturing niyang kaaway ang lahat na magtangkang palayain siya sa pamamagitan ng pagkalag sa kaniyan gapos.
Dito natin makikita kung bakit madami ang mga naniniwala na kailangan ng pamahalaan. Sa mga kabanata ng kasaysayan, ang sangkatauhan ay gumamit ng salitang monarkiya upang ilarawan ang pamumuno ng iisa, ang salitang republika upang ilarawan ang pamumuno ng nakararami at ang salitang “anarkiya” ay ginamit upang ilarawan ang pagkakagulo at kawalaan ng kaayusan.
Ang pamahalaan ay maaring pamahalaang lokal o nasyonal at itong dalawa ay magkaiba. Dahil sa ang anarkiya ay naglalayon na alisin ang estado, ang akala ng marami ay ang mga anarkista ay nais lamang ng desentralisasyon. Aalisin ang pamahalaang nasyonal at iiwanan ang pamahalaang lokal.
Dahil dito, dapat ay huwag nating masyadong gamitin ang katagang pag-alis sa estado at gamitin ang isang katagang mas malinaw—“pag-alis sa pamahalaan.”
Sinasabi natin na ang anarkiya ay isang lipunan na walang pamahalaan. Tingnan natin kung maari at tama na alisin ang pamahalaan.
Ano ang pamahalaan? Ito ay isang sakit ng isipan na siyang nagiging sanhi ng halusinasyon na kung saan ang abstraksiyon ay napagkakamalan bilang siyang tunay. Madami ang naniiniwala na ang pamahalaan ay isang organisasyon na mayroong sariling katuwiran, at iba sa mga tao na kasapi nito.
Sa mga ganito ang kaisipan, ang pamahalaan o estado ay isang “abstraktong lakas panglipunan” (abstract social power). Kinakatawan nito ang interes ng taong bayan. Ito ay ang pagbibigay ng karapatan sa lahat at pagsasaalang-alang ng karapatan ng isa’t isa. Ang ganitong paniniwala ay taglay ng mga tao na interesadong mapanatili ang kapangyarihan ng pamalahaan kahit mayroon mga pagkukulang ang mga pinuno nito.
Para sa ating ang pamahalaan ay katipunan ng mga namumuno, mga hari, presidente, ministro, kagawad ng parliyamento or kongreso. Ang mga ito ay may kapangyarihan na gumawa ng batas na nagtatakda ng ugnayan ng mga tao at ipag utos ang mga batas na dapat ay sundin ng lahat. Sila ang nagpapasiya na mangolekta ng buwis, at magpasiya kung sino ang mga dapat maglingkod sa hukbong sandatahan. Sila ang may kapangyarihan na parusahan ang mga lumalabag sa batas. Sila din ang mayroong kapangyarihan sa serbisyo publiko at sa pamamahala ng mga pabrika. May kapangyarihan sila na itaguyod o hindi ang pangangalakal. Sila ang nagdedeklara ng digmaan o kapayapaan sa mga pamahalaan ng ibang bansa. Samakatuwid, ang mga namumuno ay may kapangyarihan na gamitin ang mga puwersa sa lipunan upang pasunurin lahat sa kanilang kagustuhan. Ang kapangyarihang ito, sa aming opinyon ang siyang prinsipyo ng pamahalaan at maykapangyarihan.
Ngunit ano ang dahilan sa pamamalagi ng pamahalaan?
Bakit natin isusuko ang ating kalayaan sa iba? Bakit natin sila bibigyan ng kapangyarihan upang sila ang ating maging panginoon? Ang mga namumuno ba ay sadyang matatalino na maaring kumatawan sa masa at kumilos para sa interes ng lahat? Sila ba ay hindi na nagkakamali at maaring pagkatiwalaan ng lubos?
Kahit mayroong tao na lubos ang karunungan at katapatan, kahit ipalagay natin na hindi: ito nangyari sa kasaysayan at tayo ay hindi naniniwala na ito ay mangyayari, ito kaya ay makadagdag sa kanilang katapatan? Hindi kaya ito ang makasira sa kanila? Ang mga namumuno ay mapipilitang makialam sa mga bagay na hindi nila naiintindihan. Malimit, sila ay nagsasayang ng panahon upang mapanatili ang sarili nila sa kapangyarihan.
Paano ba nagkakaroon ng kapangyarihan ang mga namumuno, maging sila ay malupit o mabait, marunong mangmang? Nakakamit ba nila ang kapangyarihan sa pamamagitan ng digmaan o rebolusyon? Ano ang garantiya ng publiko na sila ay mayroong mabuting layunin? At kung ang kapangyarihan ay natamo nila sa pamamagitan ng pangangamkam, dahas or pandaraya, at kung dahil dito ang kanilang mga nasasakupan ay hindi kuntento sa kanilang pamumuno, wala na bang paraan upan wakasan ang kanilang pamumuno kung hindi sa pamamagitan ng dahas?
Kung ang mga namumuno ay pinili mula sa isang partido o uri, hindi ba’t lahat na mga layunin at interes ng ibang uri o partido ay mababalewala? Minsan, ang mga namumuno ay pinipili sa pamamagitan ng eleksyon, kung saan ang bilang ng botong nakamit ang nagiging batayan kung sino ang mamumuno. Ngunit ang dami ng bumoto sa kanila ay hindi nangangahulugan na sila ay karapat-dapat. Sa isang eleksyon, nahahalal ang mga kandidato na marurong magalaga ng masa. Ang minorya na maaring kulang ng isa lamang sa kalahati ng mga bumoboto ay hindi na nabibigyan ng pansin. Ang karanasan sa kasaysayan ay nagpapakita na sa isang eleksyon ay walang garantiya na ang mga nahahalal ay siyang kinatawan ng nakakarami.
Marami ang mga teorya kung bakit ang tao ay nais na magkaroon ng isang pamahalaan. Lahat na pamahalaan ay itinatag sa paniwala na lahat na tao ay mayroong magkakasalungat na interes. Dahil dito, isang kapangyarihan ang kinakailangan na obligahin ang ibang kasapi ng lipunan na igalang ang interes ng iba at ipatupad ang mga batas upang iwasan ang sigalot. Sa ganitong paraan, lahat ay magiging kuntento sa isang lipunan. Ang mga maykapangyarihan ay namamagitan upang iwasan ang alitan ng mga magkakasalungat na interes.
Ito ang teorya, ngunit upang ang isang teorya ay maging mahusay, ito ay dapat maipaliwanag ng mga pangyayari. Tingnan natin ang mga pangyayari.
Sa kasaysayan, ang pamahalaan ay brutal o marahas ng kakaunti sa nakakarami. Ito ay nagiging instrumento na ginagamit ng ilan upang sa pamamagitan ng dahas o pagiging tuso o di kaya ay dahil sa minanang kapangyarihan ay piliting magtrabaho ang mga pinamumunan para sa kanila.
Ang mga pamahalaan ay umaapi sa sangkatauhan sa pamamagitan ng dahas o di kaya ay sa pamamagitan ng pag-bawi sa kabuhayan na makaalis sa kapangyarihanng tao. Ang kapangyarihang pulitikal ay nagmumula sa dahas. Ang pamahalaan ay maaring mang-apii ng tao sa pamamagitan ng kaniyang emosyon, gaya sa relihiyon. Ang dahilan ng pagpapalaganap ng mga pamahiin sa relihiyon ay upang karapatang pulitikal at ekonomikal ng mga namumuno.
Sa mga kauna-unahang (primitive) na lipunan, kakaunti pa ang tao, hindi masyadong kumplikado ang samahan ng mga tao. Ang kapangyarihang politikal at pang ekonomiya ay naiipun sa isa. Malimit, sa isang tao lamang. Yung mga nakalupig sa iba at nakapagpamulubi sa mga ito ay inatasan ang kanilang mga nalupig na magsilbi sa kanila. Ang mga nanalo ay naging mga propritaryo, mambabatas, hari, huwes at mga berdugo.
Sa pagdami ng tao, lalong naging magulo ang samahan ng mga tao. Ang paggamit ng tahasang panunupil ay naging mas mahirap na. Para sa kanilang kaligtasan, ang mga namumuno ay umasa sa mga tao na mayroong mga interes na kagaya nila. Ngunit ang mga inaasahan nilang ito ay palaging naga ilalim ng kanilang kapang yarihan. Ang mga may-ari ng kayamanan na Kinasabwat ng mga namumuno ay dumami dahil sa proteksiyon na ibinigay sa kanila ng mga pinuno. Ang mga may-ari ng yaman naman ay nagbigay ng tulong sa mga namumuno para sa kanilang sariling proteksiyon. Ang mga may-ari ng yaman ang nakakuha ng kontrol ng agrikultura, industriya at pangangalakal.
Ang mga may-ari ng kayamanan ay naging makapangyarihan. Dahil dito, nakuha nilang magawa ang pamahalaan na parang pulis na nangangalaga sa kanilang interes.
Ang pangyayaring ito ay palaging nauulit sa kasaysayan. Ang mga manlulupig, kapag nanalo ay laging pinagsasama ang kapangyarihan ng pamahalaan at kayamanan sa kanilang sarili. Dahil dito, ang mga namumuno ay kinakailangan na makipagsabwatan sa ibang makapangyarihang uri. Nagkaroon ulit ng personal na ari-arian. Ang uri na imakapangyarihan, kung kanino nakipagsabwatan ang mga pinuno ay siyang nag-may ari ng kayamanan. Sila ang naging mga negosyante at lumago ang kapangyarihan nila.
Hanggang ngayon ay makikita pa din ang mga pangyayari na ito. Ang pamahalaan ay binubuo ng mga mayayaman o di kaya ng mga tao na nasa inpluens iya ng mga namumuno. Dahil sa maari namang ang mga tao na nasa inpluensiya ng mga pinuno ang ilagay sa pamahalaan, hindi na kinakailangan na lumahok pa ang mga pinuno sa pamahalaan. Halimbawa, si Rotschild ay hindi kinakailangan na lumahok sa Parliyamento. Sapat na na mayroong mga kagawad ng Parliyamento na hawak niya.
Sa maraming bansa, lumalahok nang bahagya ang mga anak-pawis o masa sa eleksiyon. Ito ay isang konsesyon na ibinibigay ng burgesiya (ang mga may-ari ng yaman) upang makamit ang boto ng anak pawis o ang kanilang tulong laban sa monarkiya. Ito ay ginagawa din nila upang mapaniwala ang anak pawis na mayroon din silang kapangyarihang politikal. Ang kapangyarihang politikal ay isang ilusyon lamang, sa katotohanan ay wala nito ang anak pawis.
Sa lahat ng oras o lugar, kahit ano ang pangalan, at pinagmulan ng isang pamahalaan, ang tungkulin nito ay ipagtanggol ang manlulupig. Ang mga instrumento ng pamahalaan para dito ay ang mga pulis, kolektor ng buwis, mga kawal at mga bilangguan. Ang iba pang mga kasangkapan ay ang mga pari at mga guro na maaring suportahan at ipagtanggol ang pamahalaan, sa pamamagitan nang pagtuturo sa mga mamayan na sumunod sa utos ng pamahalaan.
Ang pamahalaan ay siyang nagtatanggol sa buhay ng mga mamamayan. Ginagawa ng pamahalaan na batas ang ilan sa mga karapatan at kaugalian na kung wala ang mga ito ay mahirap ang mamuhay sa isang lipunan. Iroorganisa nito ang pagbibigay ng mga serbisyo, gaya nang paggawa ng mga kalsada, pangangalaga ng kalumsugan ng madla at pagtulong sa mga mahihirap. Ngunit tingnan natin kung bakit ito ginagawa ng pamahalaan. Ito ay ginagawa nila upang mapanitili ang kanilang kapangyarihan at ipagtanggol ang pag-aari ng mga uri na kasapi sa pamahalaan. Ang isang pamahalaan ay hindi maari na mamuno sa loob ng mahabang panahon nang hindi itinatago: ang tunay na katangian nito. Palagi itong magpapanggap na ito ay naglilingkod sa lahat.
Ang isang pamahalaan ay ayaw masira ang isang komunidad, dahil, kapag nangyari ito, wala nag pagsasamantalahan ang naghaharing uri na kabilang sa pamahalaan. Ayaw ng mga namumuno sa pamahalaan na malaman ng mga taong-bayan na kaya nitong mamuno sa kanilang sarili, dahil baka maisip ng mga ito na maari pala silang mamuhay nang walang pamahalaan.
Sa ngayon, dahil sa patuloy na paghiling ng mga anak-pawis sa kanilang karapatan, ang mga pamahalaan ay nakikialam sa pagsasamahan ng mga may-ari ng pabrika at kanilang mga manggagawa. Sinusubok nilang supilin ang mga kilusang manggagagawa sa pamamagitan nang pagbibigay ng ilusyon na makukuha ang mga manggagawa sa kasalukyang sistema.
Dapat din nating alalahanin na ang mga burgesya na siyang nag-mamayari ng yaman ay palaging nagtutunggalian. Ang pamahalaan na siyang tagapaglingkod at tagapagtanggol ng burgesya ay palaging nagsisikap na palayain ang sarili nito at siya ang maghari laban sa kaniyang ipinagtatanggol. Sa mga ganitong alitan, palaging may mga alyansa itong binubuo na kasama ang mga anak pawis laban sa ibang mga sangay ng naghaharing uri.
Sa gitna ng lahat na ito, ang pamahalaan ay hindi nagbabago. Ito ang tagapagutos ng mga karapatan at tungkulin ng bawat tao. Ang mga mali ay itinutuwid nito at pinaparusahan ang mga lumalabag sa pribelehiyo ng mga namumuno at propretaryo. Idenedeklara nitong legal ang pagsasamantala ng mga mayroong kayamanan sa mga walang kayamanan. Nagbibigay ito ng serbisyo publiko, ngunit ito ay ibinibigay lamang upang bigyang katuwiran ng masang anak pawis ang pagbabayad nila ng buwis. Kapag ang pamahalaan ay nagbibigay ng edukasyon, ito ay nagbibigay lamang nito dahil kailangang i handa ang kanilang isipan, sa kanilang gagampanan, bilang mga masunuring alipin ng mga namumuno.
Ang pamahalaan bilang huwes ng lipunan, tagapangalaga ng interes ng publiko ay isang ilusyon, isang Utopia na hindi maaring isakatuparan. Kung ang interes ng mga tao ay salungat sa interes ng isa’t isa, ang mga sigalot na nagiging resulta nito ay siyang dahilan kung bakit kailangan ng batas.
Ang pagkakaroon ng isang pamahalaan, kahit pa natin sabihin na ang isang pamahalaan ng mga sosyalista ay posible ay nangangahulugan nang paglilimitasyon ng inisyatiba sa iilan na namumuno sa pamahalaan. Bibigyan ang kakaunti nang karapatan na mamuno kahit walang gaanong nalalaman.
Upang maintindihan kung ang lipunan ay maaring mabuhay nang walang pamahalaan, tingnan natin ang nagagarap ngayon sa lipunan. Makikita natin na madaming serbisyo ngayon na hindi inihahatid ng pamahalaan. Ang pamahalaan ay nakikialam lamang upang pagsamantalahan ang anak pawis, ipagtanggol ang mga maykaya at upang basbasan ang mga nagawang paglilingkod sa lipunan kahit walang tulong nito. Ang mga tao ay nagtatrabaho, nagnenegosyo, nag-aaral, naglalakbay, nagtatamasa ng mga bagong tuklas sa siyensiya nang walang naguutos sa kanila kung paano ito gagawin.
Sa kabaligtaran, ang mga bagay na hindi pinakikialaman ng pamahalaan ang tumatakbo nang maigi at hindi masyadong nagiging sanhi ng alitan.
Ang pamahalaan ay hindi din kinakailangan sa malalaking proyekto o serbisyo publiko na kinakailangan na pagtulung-tulungan ng madaming tao o bansa. Ito sa tingin ng lahat, ang proyekto o simulain na nagtatagumpay: Hindi natin tinutukoy ang mga samahan ng mga kapitalista na itinatag upang pagsamantalahan ang anak pawis. Ang tinutukoy natin dito ay ang mga samahan na itinatag dahil sa pagmamahal sa sangkatauhan. O itinatag para sa mga intereso libangan. Ang mga sinasabing samahan ay patuloy na nabubuhay sa isang lipunan na walang pribadong pag-aari o alitan. Ang mga tao ay makikita na ang interes nila ay kagaya nang interes ng lahat. Ang mga samahan sa ikauunlad ng agham, Red Cross, unyon ng mga mangagawa, mga boluntaryo kapag mayroong nagaganap na kalamidad ay halimbawa ng mga samahan na susulpot kapag mayroong pangangailangan dito.
Ang dahilan kung bakit ang mga samahan na ito ay hindi nagtatagumpay kung minsan ay dahil hinahadlangan sila ng pamahalaan. Isa ang dahilan nang hindi nito pagtatagumpay ay pagkakaroon ng pribadong ari-arian at ang pamamay-ari ng kakaunti sa karamihan ng kayamanan.
Ang mga pamahalaan ang kasalukuyang nagpapatakbo ng serbisyo postal at komunikasyon. Ngunit paano ito tinutulungan ng pamahalaan? Kapag nakita ng mga tao na kailangang-kailangan ang mga serbisyo nito, magkukusa silang mag-organisa nang kusang loob upang gumanap ng kanilang tungkulin. Kapag mahigpit ang pangangailangan, madami ang tutulong.
Ang mga tao ay hindi mamamatay sa gutom sa paghihintay sa pamahalaan na gumawa ng batas ukol dito. Ang ginagawa ng pamahalaan ay aantayin namag-organisa ang mga mamamayan, at kapag tapos na ito, sila ay maggagawa ng batas upang aprubahan ang mga nagawa ng mga tao.
Ang interes o sariling hilig ng tao ang ugat ng lahat nilang pagkilos. Ang interes ng isa ay magiging interes ng lahat. Ganito ang mangyayari kung ang pribadong pag-aari ay inalis. Ang mga tao ay magiging interesado sa pagtatrabaho ukol sa interes ng lahat.
Mahirap maunawaan kung bakit ang paniwala ng iba ay mga serbisyo publiko na kailangan ng lupunan ay mas maayos na mapapatakbo ng pamahalaaan. Mas maayos na mapapatakbo ito ng mga manggagawa na kusang loob na nagtatrabaho sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa iba pano magtatrabaho dito.
Sa bawat gawain na kinakailangan nang pagtutulong-tulong ng maraming tao, kinakailangan ng pagtotoka-toka ng gawain at pamamahala. Dapat nating ulitin na ang pamahalaaan ay isang samahan ng mga tao na isinakamay sa kanilang sarili ang paggawa ng batas, at pumipilit sa mga tao na sundin ito.