Title: Mga Kalat-Kalat na Talak Taking off from Marie Kondo
Subtitle: o Paglampas sa Lohika ng Pribadong Espasyo/Pag-aari
Author: Ibong Adorno
Language: Tagalog
Publication: Ibong Adorno
Date: January 16, 2019
Source: https://www.facebook.com/notes/ibong-adorno/mga-kalat-kalat-na-talak-taking-off-from-marie-kondo-o-paglampas-sa-lohika-ng-pr/574153393054258/

Arguably flavor of the past week si Marie Kondo at ang decluttering method and/or kanyang “Tidying Up with Marie Kondo” show sa Netflix at ang kanyang (misattributed, mistranslated?) tip na if your books (possessions) do not spark joy, throw them away. Depende sa settings, algorithmic magic, set of friends among other factors sa iyong social media presence, sinundan ni Marie Kondo ang Bandersnatch, ang Bird Box, ang panggagahasa ng teenager Duterte sa dati nilang katulong, ang DFA Data Breach, at iba pa bilang buhay ng iyong newsfeed.

Social media clutter na magde-declutter on its own (makakalimutan mo na lang, matatabunan ng bagong posts), welcome sa lampas-isang dekada ng Facebook sa Pinas. Balik kay Marie, heto ang ilang tala, tangential matters na nabuksan dahil sa kanyang series tungkol sa pag-aayos-ayos ng mga bagay.

1. Kung “tidying up” with Marie ang emphasis at nagaganap sa series, ano ba ang (grammatical) object ng akto ng paglilinis, ng pag-aayos? Hindi ba mga bagay (objects, things) sa bahay—libro, medyas, gamit sa kusina? Mas angkop sa present polemics ang term na “pag-aari”?

Mula rito, heto, magkatuwang na hiram sa posts nila Herbie Docena at Leya Organa. Yung una, ang diin ay nasa overproduction at sa idinudulot nitong excess; ’yung pangalawa ang obverse na kalagayan ng kasalatan.

Herbie Docena
Yesterday at 7:26 AM

Marie Kondo is on to something but doesn't go far enough: Why do some people have so much unnecessary stuff to begin with? Might it also be because firms are driven by market competition to produce more, more, more—and to push consumers into buying more, more, more? And isn't this becauseof the kind of anarchic economic system we have—a system that constantly tends towards "overproduction"? If so, how far would individual lifestyle changes really go? Still there's a kernel of truth in Kondo's advice: some of the things we have no longer "spark joy" and should be dumped. That includes capitalism.


Leya Organa
Yesterday at 10:40 AM

You don't need decluttering when you can't afford stuff

At kung pagaganahin sa pag-analyze ng mga bagay, ng mga pag-aari, dudulo ito pareho sa pamilyar na coexistence ng haves-have nots (or more concretely, may purchasing power at wala; even more accurately, ng 1% at ng 99% ng populasyon, dahil hindi naman 50-50 ang composition ng mayaman at ng mahirap).

Naalala ko ang isang tala ni Bomen Guillermo sa salin ni Zeus Salazar ng Naalala ko ang isang tala ni Bomen Guillermo sa salin ni Zeus Salazar ng The Communist Manifesto sa Filipino. Patungkol sa orihinal na “Die Proletarier haben Nichts von dem Ihrigen zu sichern” na isinalin ni Salazar bilang “Walang anumang dapat iligtas ang mga proletaryo sa anumang kanila,” mungkahi ni Guillermo na mas akma ang “ang mga proletaryo ay walang anumang sa kanila na ililigtas.” Dapat maging malinaw ang dagdag ni Guillermo na “To actually have something that one should not save is quite different from having nothing at all to save” (akin ang pangalawang diin). Pag pinagana sa konteksto ng “decluttering,” may malaking pagkakaiba depende sa dami ng mga bagay/pag-aari na dapat i-sort o ayusin. Having more property than others, some will unavoidably see more need to declutter.

At para doon sa mga maraming pag-aari na kailangang i-organize to begin with, kailangang hanapin somewhere ang connection ng ganitong personal na sitwasyon sa malawakang isyu ng overproduction at hyper-consumption sa kasalukuyang kapitalistang sistema ng ekonomiya. Bakit ba umaabot sa certain amount ang mga pag-aari nating libro, damit, halaman, o laruan to the extent na nagiging mahirap na silang i-manage at nagmumukhang clutter? Bakit minsan bumibili tayo ng mga gamit kahit di naman immediately kailangan? Bakit ba kasi ang tempting minsan ng mga pakulong Free Shipping, Buy 2 Get 3 for Free Promo, na nakaka-udyok sa ating bumili right there and then (while stocks last daw e! Baka pagbalik ko wala na ’tong promo!)? Sa tulong ng (mostly) middle-class purchasing power, walang-tigil ang pagdagdag sa ating mga pag-aari. Secondary na lang ang mga posibleng motibasyon tulad ng pagkauso ng isang bagay (everyone is wearing Angry Birds caps!), fetishistic impulse ng isang collector o kung anumang imagined attribution sa sarili (possessing this will make me look cool!). Sa indibidwal na antas, may economic capacity; sa mas malawak na pagtingin, may economic conditions na nagbubunsod ng overproduction at over-accumulation ng mga bagay.

2. Tungkol sa Akto ng Pag-aari

Kung mananatili tayo sa lohika ng ownership at private property, may problema rin on the way we treat things that we have. Susog ito sa isang puntong lumabas sa “‘Tidying up with Marie Kondo’ is Inadvertently about Women’s Invisible Labor” na lumabas sa Vice. Sabi ni Nicole Clark: “while we’ve all been taught to buy things, few of us have really been taught how to own things, to manage them, nor the consequences for accumulating an excess of them.”

Muli, konektado ito sa purchasing power ng consumer. Para sa maykaya, imbes na “pag-tiyagaan” pa or ipaayos ang kung anumang gamit (appliance, gadget, etc.), bakit hindi na lang bumili ng bago? To begin with, bakit hindi “alagaan” sa simula pa lang—’wag i-overheat ang ganitong device, wag i-scrape ang ganitong panluto, etc. Taliwas naman dito ang hitsura ng mga walang-pambili—nagtitiis sa tagpi-tagping damit, sira-sirang sapatos, at iba pa—na minsan ay ina-isolate bilang materyal for a sob story na sasamantalahin ng kung anumang feel-good show ng charity (Lingkod Kapamilya, Wish ko Lang, Philanthropist donates pens to African kids!) na wala namang nabibigay maliban sa fleeting, well, feel-good effect, at limited durability ng mga donated na bagay. Worse, madalas ay ino-obscure pa nito ang mas sistematikong pag-unawa at pagkilos ukol sa kalagayan (the long-term solution is to donate more books! Charity! Ang kailangan ng African kids ay notebooks, not a better education system!).

3. Lampas sa Pribado, sa Bahay, sa Pag-aari

Panghuli, bakit hindi ituro (to point out, to teach) ang posibilidad (at aktuwalidad!) ng arrangements kung saan hindi ang lohika ng pribadong espasyo ng bahay, o pribadong pag-aari ang gumagana? Ganito pa rin ang lohika ng maraming tweets (lalo ’yung retorts sa less than 30 book-thing): “Marie, hands off MY (hundred plus) books blah blah.”

May iba’t ibang praktika ng kolektibong pamumuhay kung saan hindi exactly magkakapamilya ang magkakasama sa isang given na espasyo. Mas may room for choice at walang moda na “you were born into it” dahil piniling sumali sa isang organisasyon at makasama sila sa iisang bubong. Mas mahalaga, may ibang sistemang pinapagana pagdating sa pag-acquire at paggamit ng resources at pag-manage ng espasyo kung saan lahat sila nakapaloob. Pasok dito ang collective houses ng mga organisasyon (puwedeng magsimula as early as college), “infoshops” ng mga anarkista sa Pinas at mga intentional community sa labas ng siyudad. Sa mga espasyong ito madalas, para maiwasang kailanganing mag-declutter (at manood ng Netflix for some tips), may pagpaplano na pagdating pa lang sa pag-pool ng resources at pagtatakda ng mga pangangailangan ng lahat. Hindi lang indibidwal ang nagpapasya sa mga bibilhin. Mas buhay rin ang kultura ng sharing kaya puwedeng iisang plantsa, o walis tambo, o kopya ng The Perks of Being a Wallflower, o lamesa na lang ang bilhin dahil hindi lang isa ang magmamay-ari. Dahil shared ang espasyo, tulungan din sa pag-manage nito (tasking sa paglilinis, pamamalengke, etc.) at as long as napagkasunduan ng lahat ang sistema, mas mainam at produktibo ang ganitong setup.

Sa ganitong alternative setups at the very least, hindi lang ikaw ang mamomroblema sa pagta-tidy up ng mga bagay-bagay. Higit dito, mararanasan nating tingnan ang mga bagay—at ang pag-acquire, pag-manage, at pag-aayos sa mga ito—hindi na lang bilang pag-aari at responsibilidad natin kung hindi bilang mga bagay (mula grocery at radio hanggang libro at halaman) na dahil para sa marami/lahat ay pagpapasya at responsibilidad din ng lahat na i-acquire, alagaan, at i-organize.