Rhado
Kumain na kaya Sila?
ILANG MILYONG mahihirap na tao ang walang makain, walang tahanan, walang trabaho, ilang milyong tao ang namamatay sa ibat ibang uri ng sakit, at ang pinaka masaklap ilang milyong tao ang namamatay dahil sa kagutuman. Ito ay ang mga taong mahihirap na halos araw araw natin nakikita san man tayo mag punta!! Sa mga lansangan, sa mga abandunadong lugar, sa mga squtters area, sa ilang lugar sa mga probinsya at ilang lugar sa siyudad…
Hindi naman nila naging kasalanan na ipinanganak silang mahirap diba?
Araw araw daan daang libong sobrang pag kain ang itinatapon at nasasayang galing sa mga resturants, bakery, palengke, hotels, fastfoods, malls, at sa ating mga tahanan…
Ang iba dito ay pede pa naman pakinabangan ng mga mahihirap at kapos palad na walang kakayahan bumili ng pag kain sa araw araw…
Habang itinatapon mo ang sobra mong pagkain o ang mga pagkain/gamit na pede pa naman pakinabangan. Naiisip mo ba sila? Malamang habang binabasa mo ito ay maalala mo na sila.
Sana ang maliit na paalala na ito ay nakasagi sa isipan mo na may mga taong nangangailangan ng tulong kahit sa simpleng paraan.
Ako sampu ng aking mga kasamang kabataan, at iba pang mga kasamahan, ay boluntaryong nag sasagawa ng pag kilos at pag tulong sa mga mahihirap at kapos palad na walang tahanan. Nag luluto kami ng pagkain at nag babahagi rin ng mga gamit na aming boluntaryong pinag ambagan, at kinolektang mga donasyon galing sa mga kaibigan ka lugar sa mga palengke at iba pang lugar. Boluntaryo naming ibinabahagi ito sa mga walang tahanan at nagugutom.
Malamang itanong mo saakin kung bakit namin ito ginagawa.
Ginagawa namin ito dahil nakikita namin na nangangailangan sila ng ating tulong ( na hindi nakikita o hindi pinapansin ng ilang mayayaman at makapangyarihan tao sa lipunan.)
Nakikita namin na kahit tayoy simpleng tao, (kabataan, estudyante, nag tratrabaho, tambay etc) ay makakagawa ng simpleng pagtulong sa ating kapwa. boluntaryo at bukal sa amin puso ang pag tulong at walang nag utos.
Gaya nga nang sinabi ko kanina nakikita namin at nararamdaman ang kanilang pangangailangan
Kung nakikita mo rin at nararamdaman ang kanilang pangangailangan maaari ka rin makatulong! Mula sa simpleng pamamaraan, ang pag babahagi ng pagkain o gamit ng bukal sa iyong kalooban!! Maari mo itong umpisahan sa inyong lugar kung saan mo nakikita ang mga walang tahanan. Maari kang mag simulang mang hingi ng donasyong pagkain, sa inyong kumunidad. Maaaring mangolekta Sa mga palengke bakery kung saan nagtatapon sila ng mga pede pang pakinabangang pagkain. Pag katapos ay pede ka nang magluto at mag bahagi ng pag kain sa mga walang tahanang nagugutom!!! Menos gastos, matrabaho pero nakakataba ng ating puso!!! Sana ay mag kita tayo minsan sa lansangan o kaya ay mag sama tayo at magtulong sa ating gawain!!!
Kita kits sa lansangan!!!
Kung meron ka naman maibabahaging donasyon, ( pagkain, bigas, delata, gulay, kahit anong pagkain kahit pasira na, ung pede pang pakinabangan o I recycle) o kaya gamit ( kahit lumang damit, kumot, sapatos, plato, baso, kutsara,tinidor, laruan, o kahit anong gamit na hindi mo na ginagamit o gusto mong ibahagi) mga gamot (para sa sipon,ubo, lagnat o sa sakit ng ulo, at iba pang gamot na pede mong ibahagi) at kung ano pang pagkain o bagay na pede mong ibahagi sa kanila. Kumontak lang sa numerong ito 09198503708 o kaya ay mag email sa noncollective@yahoo.com o kaya sa aidkolektibo@yahoo.com o kaya sa cowrhadz@yahoo.com maaari karin tumingin ng schedule ng pag papakain at pag babahagi sa www.myspace.com/noncollective www.myspace.com/aidkolektibo , o kaya ay mag txt sa nasabing numero.
Ikinagagalak namin ang iyong pagtulong!! at boluntaryo namin tatanggapin at kokolektahin, ang inyong mga donasyon para sa kapwa kapos-palad. nag papasalamat kami sa inyong pakikiisa at pag tulong!!!
Salamat sa iyong oras at pag babasa!!! Kitakits sa lansangan!!!