Anonymous
Ang Digmaan sa mga Kabataan
Wala Kang Personality Disorder...
Ang iyong mga tagapayo, guro, magulang, doktor and iba pang ‘pulis’ ng iyong buhay ang nagsasabi sa iyong ang iyong personalidad ay mali at ikaw ay hindi nanunungkulan ng maayos. Naniniwala tayong sila ay mali, at sila at ang mundo ang siyang hindi nanunungkulan ng maayos.
Ang paaralan ay isang abusado, nakayayamot na kulungang idinisenyo upang baliin ang iyong diwa at panatiliin ka sa kawalang kaalaman. Kung ikaw ay nayayamot at nakakaantala sa paaralan, ito ay dahil nakayayamot ang iyong guro kung magturo, ang pinag-aaralang paksa ay pulpol at ang paaralan ay isang hawla. Tinuturuan ka lamang nila ng mga bagay na gusto ng iyong gobyerno na sya mong matutunan. Napakaraming interesadong bagay ang maaring matutunan, ngunit hindi mo ito matututuhan sa paaralan. Tila ka isang kabayo na sinisira ng sa gayon ay maging mabuti kang ngipin ng gulong paglaki mo, magtrabaho, kumonsumo, mamatay. Nangangailangan ng labinlimang taon ng eskwela upang baliin ang isang tao at papayagin silang gawing miserable ang kanila mismong mga buhay. Sa kabutihang palad, marami parang mga bata ang pinipiling mag-rebelde.
Higit na mga saykayatrista ay mga pulis pala na nakaupo sa sopa. Ang pagbibigay sa mga bata ng mga saykayatrikong medikasyon o paggagamot ay pang-aabuso at pagsalakay sa isang bata. Ang mga doktor ay walang ideya kung papano nga ba gumagana ang mga medikasyong ito, lalo na kapag ang utak ay patuloy pa sa pagyabong. Kung gusto mong baguhin ang kimika ng iyong utak, uriin ang iyong karaniwang kinakain (kumain ng madaming sariwa, hilaw na prutas at gulay), ang iyong ehersisyo at mga kinaaadikang bagay-bagay. Nakararaming saykayatrikong medikasyon at terepewtika tulad ng ECT o Electro- Convulsive Therapy ay isang walang pinipiling pagkapinsala sa utak at maaring magdulot ng permanenteng pagka-inutil at kawalan ng nagbibigay malay na tungkulin ng utak sa bata man o matanda.
Ang mga katauhan o ‘personalities’ ay kailanman hindi magiging mali. Napakaimposible na ang isang katauhan ay may diperensiya. Ni hindi alam ng mga doktor kung ano ba talaga ang katauhan o personalidad. Ang paksa ukol sa pag-iisip ng tao ay syang at patuloy na pagtatalunan sa lahat ng panahon, ito ay isang misteryo, at isang pilosopikal at hindi medikal na paksa ng isang argumento o debate. Ikaw ay ikaw, at ikaw ay isang indibidwal na may malayang diwa na bihag ng isang pangtaong lipunan at isang mundong kontrolado ng maliit na bilang ng mga taong hindi gusto ang kalayaan at syang mayroong kapangyarihan na ikaw ay alipustahin at apihin.
Walang bagay na normal. Lahat ng bagay sa planetang ito, at yaong higit dito, ay natatangi. Walang sinuman o anuman ang katulad mo sa sandaigdig. Sinumang sumubok na ipaniwala sayong me bagay na ‘normal’ ay bobo. Ang sinumang gumagamit ng kanilang kapangyarihan, pwersa or argumento ng kapwa bobo upang gawin kang angkop sa kanilang depinisyon o pagpapakahulugan sa salitang ‘normal’ sa pamamagitan ng saykayatrikong dyagnosis, paggamot, detensyon, pampahikayat-sang-ayon na pang-asal na terapewtika ay dapat tutulan.
Tutulan ang mga doktor, magulang, guro at iba pang mga ‘pulis’ na hindi isinasaalang-alang ang iyong mga interes. Tingnan ang iyong sariling kalusugan at edukasyon, kapwa ito mahalaga at ikaw lamang ang responsable para sa mga ito. Labanan ang mga taong gustong wasakin ang iyong pagkatao at gusto kang kontrolin!