Randy Nobleza & Jong Pairez
Ang Potensyal na Anarkistang Tendensiya ng Diliman Commune
Konsepto ng Kapwa sa ‘71 Diliman Commune: Mga Lebel ng Pakikipagkapwa-tao at Sikolohiyang Pilipino sa Karanasang Diliman Commune
Day 01 — Simula Ng Mga Barikada
Day 03 — Ang Malayang Tinig Ng UP
Day 04 — Deklarasyon Ng Kalayaan
Appendix: The Revolutionary Moments of Diliman Commune
Day 0 — Sitwasyon
Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig nang namayagpag ang US bilang pinakamalakas na bansa sa buong mundo, kinakailangang mailugar sa konteksto ang kasaysayan ng aktibismo noong dekada bago maganap ang Diliman Commune. “In the 1950s, academic freedom was the rallying cry of a crop of bourgeois liberal professors from the University of the Philippines. …the cry was based on the premise that the university could exist independent of economic and political reality.”
Kalilipat pa lang ng Diliman ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) mula sa Maynila, pero ano ba ang nagbunsod sa mga estudyante na mag-aklas? Ang pinanggagalingan ng lakas estudyante ay ang eksaktong konkretong kondisyon maging sa larangan ng ideolohiya at oryentasyon “Period 50, coming from Mcarthyism, malakas ang nationalist orientation.”
Hindi nalilimitahan ang pagkilos at pagkatuto sa loob ng eskwelahan, kaya naman kaugnay ng mga sunod-sunod na pangayayari sa loob at labas ng bansa, paglipas ng ilang taon lumakas ang kilusang estudyante. Ang paglakas na ito ay naging potensyal na panapat laban sa awtoritaryang pwersa ng Imperyalistang US sa impluwensya nito sa bawat paaralan sa bansa at sa panlipunang kalagayan. Pero sa yugto ng kalagitnaang-60’s na halos kasisismula pa lang ng UP, hindi katakataka na konserbatibo at sobrang relihiyoso ito, sapagkat ang kasaysayan ng pagkatatag ng UP ay para sa layuning suportahan ang status quo.
Ang pagpasok ng mga aktibista o ang radikalisasyon ng kabataang estudyante ay nagsisimula pa lamang din. Konti pa lang ang sumisigaw noon sa mga pasilyo ng silid aralan. Pero ang aktibismo ng kalagitanaang-60’s sa pandaigdigang kalagayan lalo na sa US ay sadyang malakas na. Bandang huli umabot sa bansa ang namamayagpag na aktibistang inspirasyon kahit yung hippie hipie at blak panter ay umabot din sa bansa.
Buhay na buhay ang aktibismo ng kabataan noon. Dyan sa mga kampus karamihan, sa kampus nangyayari lahat. I mean sa loob ng campus nagsisismula tapos lalabas. Ilan taon ka na? Kung ang kabarkda mo, umiinom. Paano nakita mo sa tv, umiinom? Ano gagawin mo. May cell phone ka, anong hawak ng lahat?
Mahalagang tingnang ang pagnanasa ng mga tao na umugnay sa kanyang kapwa, ayon nga sa konsepto ni Enriquez ng shared-inner-selves, ang kapwa mo ay ikaw at ako, ako ay ikaw at ikaw ay ako. Bahagi tayo ng isang malaking komunidad at ang ating relasyon sa kapwa ay isinasagawa natin ito sa pamamagitan ng pakikipagkapwa-tao. Kaya naman hindi mahirap maipaliwanag bakit naghihintay lamang ng akmang panahon ang mga aktibista upang maipakita nito ang lakas laban sa Estado poder.
Kakayanin na gawing posible ang mga ideya at imahinasyon sa tamang pagbasa ng mga sitwasyon at pangyayari. Mas mainam kung mai-uugnay ito sa mga partikular na nararanasan ng mga tao. Sa kaso ng aktibismo sa UP at sitwasyon ng kilusang kabataan, tamang tama ang konkretong kondisyon para mag-alsa. Ang tampok na isyu ng panahong iyon, sa pagpasok ng unang taon ng dekada-70 ay ang pagtaas ng presyo ng langis at pamasahe. Ang kagustuhang makipag-ugnayan sa mga tsuper ang nagdulot ng paglakas ng lakas estudyante.
Ang pakikipagkapwa-tao, ito ang pinagsimulan ng mga pagbabarikada sa labas ng UP upang maipakita ang suporta sa mga tsuper na nagbabalak na magsagawa ng malawakang Transport Strike. Bago pa man ang mismong Commune, nagtayo na ng mga barikada para suportahan at makisimpatya sa mga tsuper ang mga estudyante. Enero pa lamang ay mayroon nang mga barikada.
Day 01 — Simula Ng Mga Barikada
“Lunes. Matapos tanggihan ng mga mag-aaral ang pagpasok ng kotse ni Propesor Inocentes Campos bumalik ang huli na may tatlong armas at may suot na bullet-proof vest. Malubhang tinamaan ng baril ni Campos sa noon ang batang batang iskolar na si Pastor Mesina.” Makikita dito ang kategorya ni Enriquez sa pakikipagkapwa tao sa kategoryang ibang-tao. Ang turing ng mga estudyante sa propesor ay ibang-tao, kaya maaari nating sabihing wala itong pakisama.
Gayunpaman, masasabi namang ibang-tao rin ang turing ni Prop. Campos sa mga estudyante. Kilalang anti-estudyante, reaksyonaryo at konserbatibo si Prop. Campos. Kaya hindi siya maaasahang makisimpatya sa tunguhin ng mag estudyante na makipagkapwa-tao sa mga tsuper. Sa mas detalyadong pagkakalahad:
At about this time, 12:30pm, while students were running away, Prof. Inocentes Campos, 64, a somewhat “legendary” math professor, drove up and tried to enter the campus. He had earlier attempted top pass through the barricade and when stopped by the students, had gone home and returned half and hour later, this time in an older car. After he refused the activists’ warning not to proceed, a student allegedly lobbed a molotov bomb at his car, blowing its rear tire. Campos got off, wearing a helmet and a bullet vest, and fired successively his shotgun, a .22 caliber rifle and a .22 caliber revolver. The students scampered in several directions for cover. Pastor “Sonny” Mesina a 17-year old freshman, fell down, hit thrice in the forehead.
Sa punto de bista naman ng mga security guard ng UP: “Wala kaming magawa. Pinaputukan ni Campos ang lahat ng lumapit sa kanya. Ang aming maliliit na armas ay walang laban sa kanyang riple.” Mabilis ang mga pangyayari, walang pagpaplano maliban sa pagsasagawa ng barikada upang maipakita ang simpatya at suporta sa mga magwewelgang mga tsuper, walang nakaisip na may mababaril at may mamatay.
Response to the situation was immediate: the crowd immediately went into action. Chairs, tables, blackboards and whatever materials could be gotten down of were efficiently brought down to the street by activists, upsilonians, beta sigmans, sigman rhoans, and the unaffiliated.
Ang partisipasyon ng karaniwang tao na sumang-ayon sa pagkilos mula sa simpleng pakikisama sa hangarin ng mga tsuper na magsagawa ng malawakang Strike, dulot ng sitwasyon, ay humantong sa direktang pakikilahok. Ang tinutukoy na umpukan ng mga tao ay naging komunidad, kung itutulak pa, naging isang makina ito na umaandar mag-isa na hindi kinakailangan ng operator.
Iba na ang konteksto ng pagbabarikada, mula sa pagsuporta sa pagtalima ng mga tsuper na pumasada, nabaling ang pagbabarikada sa pagbibigay ng proteksyon sa komunidad ng UP. Maging ang silbi ng mga barikada mula sa paggiging konkreto ay naging simboliko:
The barricade is not only really a physical obstruction but a symbol of protest. The physical barricade could be and was easily destroyed by police forces. The symbolic barricade is not so easily destroyed as its physical counterpart. It is a sign of dissent and discontents.
Makikita na iba-iba din ang naging reaksyon ng mga estudyante, akademiko, administrador at maging mga residente ng unibersidad: “The residents who complained about the interrogations at the barricades do not see beyond the realm of bourgeois ethics with which they should be accorded by revolutionaries.”
Mayroon mga pabor, syempre meron din naman hindi: “The barricades, per se for the strike were good. But not when the students started using chairs for barricading, when they ransacked the Chem laboratories for chemicals, when they created anarchy within the university.” Tingnan natin mamaya ang talaban ng anarkiya at anarkismo.
Day 02 — Labanan Sa Diliman
Ito naman ang naging partisipasyon ng mga administrador sa Diliman Commune:
SP Lopez tried to summarize the issues: “the militarization of the university, and protests against it closure.” The students corrected him: the issues, actually, Mr. Rey Vea said, was the price of oil and the dictation of imperialist cartels on the national economy: the integrity of the university was second only.
Pero nang mag-abot ang mga tanaw ng mga administrador at mga estudyante sa lebel ng pakikibagay, sinusububukan ng Presidente na kunin ang panig ng mga estudyante. “Kinausap yung mga student leaders, sinabi yung mga demands. Sabi ni SP Lopez, “You better be more resilient! I’m losing my job!” Sabi ng mga estudyante, “You’re just thinking about your position…we’re losing our lives!”
Hindi lamang sa pagitan ng mga Metrocom, Pulisya at Militar laban sa mga estudyante, akademiko at mga taga-UP ang labanan. Ang tunggalian ay makikita rin maging sa mga interes ng mga estudyante at mga administrador ng UP. Maging ang Dean ng College of Arts and Sciences ay nakilahok sa Diliman Commune subalit pinagbayarn niya ito pagkatapos:
Si Cesar Majul, he paid for it, yung bumaba. “If they’re going to attack from there, we’ll have a barricade here.” Assembly line, walang command, pero may basic script, nakilinya na rin ako. Kelangan may barricade. Sabi ni Majul, “We can’t what would we burn these with, bring those curtains down.” Andyan na, walang gasolina. Nagrest, retire muna, pinabayaan lahat ng UP… Siningil lahat from his retirement pay.
Matutunghayan naman natin, mula sa administrador, bilang Dean ng Arts and Science, nakisangkot siya sa mga estudyante sa pagbabarikada.
Marami ang hindi desidido noong mga panahong iyon, ilan sa mga estudyante ang sumsangayon subalit walang direktang partisipasyon sa Diliman Commune: “The barricading of UP was justified. I am for it. The only thing I didn’t like was the painting of certain names on the walls of university buildings.” Ito pa ang isang hesitasyon, “the cause of the barricades was good. The result, however was bad.”
Hindi pa palagay ang kanilang loob para umabot sa puntong makiisa sa iba pang mga estudyante upang maging bahagi ng Commune. Gayunpaman, napakakita ng mga estudyante na meron silang kapasidad na pamunuan ang kanilang sarili, napanghawakan nila ang sitwasyon at gumawa ng mga kinakilangan na mga desisyon.
The battle of Diliman, which saw the invasion of two ladies’ dorms and the theft of petty articles by the uniformed goons of the State, resulted not only in the embarrassment of the Quezon City police over their inability to suppress with bullets young kids armed only with a few pillboxes.
“Iyon spontaneous pare, nasa AS lang yung Palma Hall, may ice cream vendor, gawa na tayo ng molotov nasan ang mga basyo.” “Sa baba ng AS, maraming empty bottle ng pop drinks, lahat ng estudyante linya, pasapasa hanggang sa edge ng building yung dalawa dalawa na ang dala, sabi yung nasa kaliwa molotov, yung nasa kanan tubig…” Kung papansinin, wala namang mga lider. At kung meron man, kinakatawan ito ng ligal na Student Council na pinapangunahan nina Ericson Baculinao at Rey Vea.
Ang mga estudyante ay isang masa ng mga indibidwal na walang kinikilalang mga lider, kumikilos ayon sa kani-kaniyang mga inisyatiba pero hindi nakahiwalay sa kanilang komunidad at kapwa estudyante.
Day 03 — Ang Malayang Tinig Ng UP
Parang dinadaanan ng ipu-ipo ang UP “…the landscape of the UP campus looked a total wreck. The streets and avenues leading to the colleges were cluttered with loose stones, pieces of paper, debris, twigs; in the neighborhood of the residential areas, garbage cans were dragged to the middles of the streets and their contents spilled. The domestic wastes left untouched by dogs who had been frightened by the continuous explosions in the night, looked like human vomit.” Ito ang istura di umano ng anarkiya ayon sa tagapamahayag ng Pamahalaan.
Pagkalipas ng ilang araw napasakamay na ng mga estudyante ang istasyon ng Radyo ng UP, “DZUP fell into the hands of the rebels yesterday afternoon — thanks to the combined efforts of Science and Engineering activists and professors and not to forget, the radio technicians. Malayang Radyo ng Diliman — that’s how it’s called at this moment.” Taliwas sa popular na konsepto ng masamang kahulugan ng anarkiya, ang nabanggit na pag-angkin sa Radyo at pagpapalaya ng komunikasyon ay isa lamang sa mga taktika ng mga anarkista. Hindi lamang nakalimita sa mga materyal na bagay maaaring palawigin ang pagrereclaim at pagaaproppriate kundi maging sa mga ideya.
Kalaunan ay bumisita ang Blue Ribbon Committee para tingnan ng personal kung ano na ang nangyayari sa UP Diliman, “Sa AS, sa gitna [naglalakad si] Kalaw, maraming papaya, sa batangas [pa galing], mga saging. ‘Defend the barricade!’ Yun pala dalawang jeep, galing kina Eva Kalaw pupunta sa midddle part ng stage. Yung mga jewelry [kumakalansing]. Sigawan ang mga estudyante ‘Umuwi ka na! H’wag ka nang mag-fashion show! yung hikaw mo, yung mga sapatos mo. Salamat na lang sa papaya! Salamat na lang sa mangga! Umuwi ka na!’”
Ang inabutang pangangantyaw ng Senadora mula sa mga estudyante sa kanyang pagdalaw ay maaaring ikunsidera na direktang aksyon laban sa Awtoridad at pagkukwestyon sa Awtoridad o sinseridad ng mga Pulitiko. Ang paghawak nga ng Radyo ay isang uri ng pagpapalaya — ang pagtatakda ng gamit sa isang bagay o ideya ng panibagong silbi o function liban sa orihinal na silbi nito.
Nagkaroon ng ibang silbi ang radyo ng UP, bilang anyo ng protesta at mabisang daluyan ng impormasyon. “Radio Free Diliman as a novel style of protest did one thing: maneuvers behind the barricades beca calls from sympathizing residents effectively checkmated every move of plainclothes troopers who roamed the campus. And food poured generously from far-flung areas as a result of direct appeals by the rebel announcers.”
Ang paghawak ng radyo…ay naging simbolo ng isang malaking pagakakisa. Habang may nagsasalita pa sa DZUP (kahit na paulit-ulit at overacting) ang pag-asa ng mga tao sa loob at labas ay buhay na buhay. Ito rin ay nagsilbing tagapag-ugnay ng mga gawain sa loob. Sa lahat ng ng mga grupo, ang DZUP lamang ang tunay na nagkaroon ng mga depinidong gawain ng bawat miyembro ng grupo.
Day 04 — Deklarasyon Ng Kalayaan
Labas sa opisyal na istorya ng Diliman Commune, ang pagtingin na wala namang naidulot at naibungang maganda ang pagbabarikada ay naging bukang-bibig ng konserbatibong grupo ng mga estudyante at akademiko. Ganito ang kanilang pananaw sa Commune:
Dear Editor,
Like the rest of the “silent students,” I am in this university for the primordial objective to straight forwardly attend to my studies without compromising my presence to the activists students cannot help but notice that there is actually a struggle of leadership between these conflicting groups, which unfortunately is doing the student government harm and injury.
Samantala…
“Overnight, … the UP press — through its initial issue of the Bandilang Pula — became the liberated word of the militants.” Nakapaglabas ng dalawang isyu ang bandilang Pula, kung ikukumpara sa pag-okupa sa radyo ng UP, maaaring limitado lamang ang sirkulasyon ng dalawang isyu nito. Sa katunayan maging sa archives ng Main Library ay iisa lamang ang kopya ng Bandilang Pula.
Sa perimeter ng anarkistang pamantayan, ang nabanggit sa itaas ay malinaw na halimbawa ng Propaganda by the Deeds. Hindi mo kinakailangan maging propesyunal at mapagtiwala sa mga eksperto, kahit pa may kakulangan sa kaalaman at teknikal na kapasidad, nanaig pa rin ang pangangailangan na makapagpahayag. Ang pagdedeklara ng kalayan ay pagdedeklara ng gera sa Estado at Awtoridad. Mahirap manawagan ng kalayaan nang hindi kumukwestyon sa Awtoridad at sa Estado bilang pinakamalaking manipestasyon nito.
“In spite of the pull-out of the QC police and Metrocom troops, the students continued to hold out. They declared the University campus the ‘Malayaang komunidad ng Diliman’ (Democratic Diliman Commune), renamed the buildings after homegrown revolutionaries like Commander Dante of the New People’s Army, Jose Ma. Sison, and Victor Corpuz and set-up a ‘provisional directorate led by Eric Baculinao to run the affairs of the commune.’” Akmang pagrereklama ito ng mga gusali bilang mga lugar ng pagpapalaya at hindi ng pag-iindoktrina ng katotohanang ideolohikal na normal ang mga sitwasyon kahit hindi.
Sa puntong ito, dito ngayon makikita ang kritikal na isyu. Alam natin na ang pakahulugan ng Anarkismo ay ang kawalan ng lider o amo. Papaano natin bibigyan ng konklusyon na may Anarkistang tendensiya nga ang Diliman Commune kung may nababanggit naman palang mga lider. Una sa lahat, hindi nanganggahulugan ang Anarkismo ng kawalan ng organisasyon kung wala itong namumuno o lider. Sapagkat sa karaniwang pag-intindi, ang esensya ng pagkakaroon ng lider at/o Estado ay integral sa pagsusustina ng hirarkiya, kung wala ito natural lamang na ihalintulad ang Anarksimo sa ideya ng kaguluhan o walang kaayusan.
“The students then organized a government called the Diliman Commune and elected a student directorate to govern the pocket-sized Diliman republic…” Ang mga anarkista ay may konsepto ng organisasyon, pero kakaiba ito sa karaniwang alam natin na ang organisasyon ay Hirarkiyal. Sa konsepto ng anarkistang organisasyon ay may ideya din ng Administrasyon pero ang mandato nito ay hindi galing sa iilan lamang. Mahalaga ang direktang pakikilahok ng bawat isa sa pagdedesisyon, kaya malinaw na naipagkakaiba ng mga anarkista ang silbi ng Administrasyon sa Awtority.
Ang isang halimbawa ng pisikal na realisasyon ng Administrasyon ay ang Councils. Dito ang desisyon ay isinasagawa sa pamamagitan ng konsensus ng bawat isa. Malayo ito sa konsepto ng Democratic Centralism na pinapatupad ng mga National Democrats (ND) na aktibista at mga kadre ng Partido Komunista, maging sa ideya ng Estado sa konsensus. Sa mga anarkista ang konsensus ay hindi eleksyon o pulitika ng representasyon, kundi isa itong praktikal na proseso ng pagkakasundo at/o pagreresolba sa hindi pagkakaunawaaan. Sa madaling sabi, ang consensus ay isang pagsasapraktika ng Direktang Demokrasya na may mabigat na pagpapahalaga ng indibidwal sa pagsasagawa ng desisyon para sa kabutihan ng kapwa.
Kung ganito ang batayan, malinaw na ang anarkistang pagsasapraktika ng organisasyon ay hindi nalalayo sa Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez — ang pakikipagkapwa tao.
Day 05 — Bandilang Pula
Ang mga mag-aaral ay hindi gagamit ng dahas kung hindi kinakailangan. Ito’y gagamitin lamang upang ipagtanggol ang kanilang sarili at ang kanilang mga demokratikong karapatan na siyang tanging pamamaraan upang magampanan nila ang pangunahing tungkuling ilantad sa taong bayan ang tunay na kalagayan ng bayan.
Kung hindi mo aalamin na mula sa aktibistang ND ang pahayag na ito, aakalin mong mga anarkista ito na nagpapaliwanag ng mga rason at kawastuhan ng dahas. Pinag-iiba ng mga anarkista ang paggamit ng dahas at Awtoridad. Ang dahas na nanggagaling sa Estado ay awtoritaryan, samantalang ang dahas na nanggagaling sa mga estudyante at malayang indibidwal ay kapangyarihan. Pinagbubukod rin ng mga anarkista ang kapangyarihan sa awtoridad. Ang kapangyarihan ay maaring magamit sa pusitibo at negatibong pamamaraan. Samantalang ang awtoritaryanismo ay palagiang mapang-api.
“Ang dahas ay ginagamit ng estado upang supilin ang mga demokratikong karapatan ng mga progresibong mamamayan…sa lipunanag may deretsohang tunggalian ng pwersa ng mga nagsasamanatala at ng mga pinagsasamantalahan, ang estado ay laging instrumento ng mga naghaharing uri.” kung hindi tayo nilusob ng Metrocom, di sana humantong sa ganito ang mga pangyayari rito.
Isang uri ng pagdepensa ang isinagawa ng mga estudyante sa marahas na pakikitungo ng Estado sa mamamayan. Bagamat sa mga huling yugto ng barikada ay unti-unting nababasawasan ang mga estudyanteng nakabantay dito. Pero, kung babalikan natin ang naunang pahayag hinggil sa kabuluhan ng pagbabarikada; totoong madaling mabuwag ang pisikal na barikada ngunit ang iniwang simbolismo ng barikadang ito sa bawat damdamin ay kailanman hindi mabubuwag.
Day 06 — Ang Ultimatum
Ang Diliman Komyun ay isa lamang ‘microcosm’ ng mas malaking kilusan na maaring gawin sa iba’t ibang unibersidad upang magsanay ang mga kabataang aktibista sa pagtatag ng mga propesyunal na organisasyon na kakailanganin sa panahon ng digmaang pang-urban.
Maaring tama ang analisis na ito sa partikularidad ng panahong iyon, pero ang mga sitwasyon ay nagbabago bago. At kung sa isang panig ka lang makikinig ay natural lamang na magkakatonotono ang lahat ng mga salsaysay. “Higit sa lahat, ang isang rebolusyunaryo ay napapatnubayan ng isang rebolusyunaryong teorya. Kung may gabay siya sa mga karanasan ng ibang bansa, ang mga bagay-bagay na nauukol sa pangakalahatang mga problema.” Para sa mga anarkista hindi kinakailangan ang teorya, hindi dahil sa hindi ito mahalaga pero sa puntong ang teorya ay may tendensiyang maging dogmatiko. Kaya imbes na tumuon sa teroya, bakit hindi magbigay pansin sa paggamit nito Ang muling pag-angkin at paggamit ng teorya ang mas mahalaga kaysa mismo sa teorya.
Ang glaring na diperesnya, mas maraming distractions ang mga aktibista ngayon, sa tingin ko, kung, yung bang sistema na ginawa sa Edsa I, gagawin pa ba sa Edsa 2 ang estratehiya, paano? Natural iba ang sitwasyon ng nauna kaysa sa sumunod na pangyayari kaya hindi eksaktong magtutugma ang aplikasyon sa magkaibang yugto ng panahon.
Day 07 — Ang Wakas
“For eight consecutive days from February 1 to 8 — the state university resembled the jungle-island of William Golding’s ‘Lord of the Flies’: a sordid, horrid picture of a civilized society overrun by anarchy.” Dito natin lilinawin muli ang malaking diperensya sa ideya ng anarkiya at sa pagsasagawa nito.
Meron mga anarkistang nagpapakilalang anarkista. Meron mga anarkistang hindi malay na gumagawa ng mga bagay na mas malapit pa sa anarkismo kaysa sa mga nagsasabing anarkista sila.
To many, that was how UP looked recently. At the outset, its students, confronted by fully-armed government forces, put up a united front. But later, after the army troopers were withdrawn, they rode high and mighty over the sprawling UP Campus, imposing their own government, splitting the studentry into radicals and moderates. What followed was disorder and confusion, attended by vandalism and violence.
Ang dahilan ay simple, walang mulat na pag-angkin na anarkista ang pag-aalsang nangyari sa Diliman Commune. Bagamat makikitaan ito ng potensyal na anarkistang tendensiya. Sapagkat sa ayaw natin at sa gusto, ang mga unang yugto ng pagbabarikada ay may bahid ng anarkistang praktika. At anarkismo ang pinakapraktikal na paraan upang pamunuan ang sarili maging maunlad pero susteynabol sa paggamit ng konsepto ng pakikipagkapwa na walang Hirarkiya. Ang paggiging indibiwal ay nasa lebel lamang ng pag kakaroon ng sariling inisyatiba, pero naka-ugnay sa lebel ng kapwa. Para sa iba ang ginagawa ng isa. Ang ginagawa ng isa ay para sa iba. Pero lahat tayo ay kapwa.
Force ruled on the campus. Some got mauled while others were insulted and threatened. Ans Esso employee was found dead from multiple stab wounds near the residents of UP President Lopez. Two women were reportedly raped. Nevertheless, a number of UP residents and students handed together and decided to protest the anarchy in UP. They staged a counter-demonstration.
Ito ang manipestasyon ng paggiging iba, ang kawalan pakikisama ay nanggagaling sa kawalan ng pang-unawa sa sitwsyon at kawalan ng konsensus. Sa mas malalim na lebel, ideolohikal ang problema, ang tendensiyang tumingin sa mga partikularidad na magpapalakas lalo sa pagkiling laban sa realidad ang nagmimintina ng awtoridad.
To the so-called conservative citizens, on the faculty and among non-academic personnel and campus residents, the barricades represented nothing else but anarchy, breakdown of orthodox law and order, defiance of duly constituted authority — even the start of the feared revolution.
Ang konseptong kalakip ng sinasabing anarkiya ay may bahid ng katotohan subalit, hindi masasabing ito ang kabuuang larawan nito. Hindi maaring pagtakpan ang mga kapalpakan at dapat tingnan na napakagandang pangyayari ang Diliman Commune. Ang pagsasabi ng ganoon ay nangangahulugan ng paggapi mismo sa dinamismong narating ng Commune.
All in all there were 11 known casualties during the eight-day “coccupation,” including one student dead, four other students, one employee, and five UP security guards wounded. Loss and damage in property and equipment was estimated at P94,820.63, with the arts and science building as the most badly hit.
Appendix: The Revolutionary Moments of Diliman Commune
-
UPSC commend the revolutionary courage of the heroic defenders of the Diliman commune against the fascist state and its campus collaborators:
-
Freshman scholar Pastor R. Mesina Jr. (posthumously) for unflinchingly raising high the people’s defiant barricade against exploitation and oppression;
-
Danilo Delfin, Glen Garcuia, Reynaldo Bello and the scores of others who were wounded as they fearlessly clashed with the state’s fascist brutes;
-
the revolutionary fighters of narra, molave, yakal, and ipil for their persevering vigilance in manning the barricades;
-
the liberated women of kamia, sampaguita, ilang-ilang, makibaka and SKUP for their frontline resistance and their diligent performance of auxiliary tasks;
-
the dauntless campus residents, notably those from Balara and Krus na Ligas, who organized commando strike forces against assorted infiltrators;
-
the audacious freshman for their remarkable play of fraternal concern and unity with the struggling Filipino mass;
-
the progressive faculty members, especially those with the Samahan ng mga Guro sa Pamantasan ng Makabayang Siyentipiko (SMS) for their selfless contribution of intellectual and technical skills which proved invaluable in the political,
-
the committed student journalists from IMC and their comrades from PSIA for handling the controls of the DZUP as the free radio of the democratic commune of Diliman;
-
the militant writers who published Bandilang Pula and other publications for projecting the democratic democratic aspirations of the Diliman commune;
-
the medicine, nursing, hygiene and SAMO students who demonstrated their partisanship with the Filipino masses but rendering first aid and medical assistance to the beleaguered communards;
-
the progressive non-academic workers in the university who forged stronger links with the studentry and the peasantry in vallantly aiding the defense of the diliman commune;
-
the mass of heretofore unorganized but politicalized and disciplined students who formed the AS rooftop junta and manned other strategic defense outposts;
-
the Samahan ng mga Makabayahang Mag-Aaral ng Batas (SMMB) and other progressive lawyers for their valuable legal aid and
-
all others who actively participated in the establishment of the Diliman commune as a symbol of the Filipino people’s unrelenting struggle against us imperialism, domestic feudalism, bureaucrat-capitalism as well as their firm determination to build a national democratic society on the debris of the past.
Appendix: Diliman Commune Grafittis
A PILLBOX IN THE HANDS OF THE MASSES IS AN ATOM BOMB!
THE UNIVERSITY IS CLOSED TO THE FASCIST, BUT OPEN TO THE STUDENTS. LONG LIVE THE DILIMAN COMMUNE!
RAISE A THOUSAND BARRICADES AGAINST IMPERIALIST EXPLOITATION AND INTRUSION!
SMASH THE IMPERIALIST ECONOMIC-POLITICAL-CULTURAL BARRICADE AGAINST THE FILIPINO MASSES!
Talasanggunian [Bibliography]
Articles
-
2 kahilingan ibinigay; radio, press pinagamit The Philippine Collegian. February 18, 1971.
-
A barricade opinion Poll. The Philippine Collegian. February 18, 1971.
-
Aguilar, Mila D. The diliman ‘commune’: /two views. Philippine Free Press.10 February1971.
-
Ang depenssa ng diliman. Bandilang Pula. Ika-12 ng pebrero 1971.
-
Ang leksiyon ng pakikibaka. Bandilang Pula. Ika-12 ng pebrero 1971.
-
Barricades are fine. The Philippine Collegian. February 18, 1971.
-
Commune ‘normalized to consolidate gains. Bandilang Pula. Ika-12 ng pebrero 1971.
-
Daroy, Petronilo. Commune ‘Communists’ and Communards. Philippine Free Press.10 February 1971
-
____________ . Commune and Communards. Philippine Free Press. 17 February 1971.
-
Gonzales, Eduardo T. Radio diliman: a new style of protest. The Philippine Collegian. February 4, 1971.
-
Kiunisala, Edward R. Making the Scene at UP. Weekly Graphic. February 1971.
-
Of erudite scabs and bums. Bandilang Pula. Ika-12 ng pebrero 1971.
-
Out from the shell. Letters to the editor. The Philippine Collegian. February 4, 1971.
-
Paliwanag ng Security. The Philippine Collegian. February 4, 1971.
-
Radyo diliman libre. Bandilang Pula. Ika-12 ng pebrero 1971.
-
Resolution. The philippine collegian. February 18, 1971.
-
San Diego, Rudy. Siege at Diliman. Weekly graphic 43. February 17, 1971.
-
Suporta sa barikada inihayag ng council. The Philippine Collegian. February 18, 1971.
-
To all diliman communards Bandilang Pula. Ika-12 ng pebrero 1971.
-
When the troops came marching in. The Carillon. January-march 1971.
Interviews
-
Reuel Aguila. Faculty center October 2006
-
Roberto Tangco Faculty center October 2006
-
Monico Atienza Faculty center October 2006
-
Ramon Guillermo vargas musuem October 2006
-
Gelacio Guillermo vargas musuem October 2006
-
Arnold Azurin up hostel October 2006
-
Fidel Rillo up hostel October 2006
-
Victor Paz up hostel October 2006
-
Michael Chua Faculty center October 2006
-
Rose torres yu Faculty center October 2006
MA Thesis
-
Tang, Christine. Student Activism in 1971 Diliman Commune and 1989 Student Revolt in Tiananmen, China. 1995.
Mga Aklat [Books]
-
Enriquez, Virgilio. From colonial to liberation psyhcology. 1992.
-
_________ . sikolohiya s apanahon ng krisis.
-
Lacaba, Jose F. days of disquiet and nights of rage. 1982.
-
_________ . kagilagilalas na pakikipagsapalran ni juan dela cruz. 1979.
-
Down from the hill.
-
University of the Philippiens. The first 75 years.
Newspapers
-
Bandialng Pula. February 1971
-
Philippine Free Press. February 1971
-
The Carillon . januray-march 1971
-
The Philippine Collegian. February 1971
-
Weekly Graphic. Febraury-march 1971.
Special Collection
-
Armando Malay Papers
-
Francisco Nemenzo Papaers
-
Jose Lacaba Papers
-
Cesar Majul Papers
-
Salavador Lopez Papers