Simoun Magsalin
Ang Anarkistang Koreano ng Rebolusyonaryong Shinmin
Siguro naman alam ng mga anarkista sa Kanluran tungkol sa rebolusyon sa Catalonia at sa Ukraine. Pero mayroong din kami sa Asya ating sariling anarkistang rebolusyon: ang Rebolusyonaryong Shinmin sa Manchuria noong 1929 hanggang 1931.
Ang Manchuria at Shinmin ay sa hilagang katabi ng modernong Hilagang Korea at bahagi ngayon ng Tsina. Itinatag ang Rebolusyonaryong Shinmin ng mga Koreano ng Pederason ng Koreanong Artistang-Komunista (KACF; Korean Anarchist Communist Federation). Bilang isang awtonomong teritoryo, kilala ito bilang Samahang Bayan ng mga Koreano sa Manchuria (Korean People’s Association in Manchuria). Ang Rebolusyonaryong Shinmin ay isang sistemang may kasarinlan at awtonomiya ng mga Koreano na nagtipon ng kanilang bayan upang iligtas ang kanilang bayan laban sa mga imperyalistang Hapon. Mahigit sa dalawang milyong mga Koreano ang nanirahan sa teritoryo na pinamamahalaan ng Koreano na Samahang Bayan sa Manchuria.
Ano ang anarkistang sistema sa Shinmin? Ginamit nila ang pangkalahatang pagtitipon (general assembly) at desentralisadong pederalismo na ginamit din ng mga KACF. Binuo nila ang mga lupong pang-tao para sa mga sitio, mga bayan, at mga probinsiya upang pamahalaan ang kanilang kooperatibong agrikultura, edukasyon, at pananalapi. Ginamit nila ang mandatong delegado sa halip na mga inihalal na kinatawan (Gelderloos 2010, Ch2; MacSimoin 2005). Mayroon ding nagbibigay suporta sa Shimin mula sa internasyonal na mga seksyon ng KACF sa Tsina, Korea, at Japan (Gelderloos, 2010).
Binuo rin nila ang isang hukbong bayan na pinangunahan ni Kim Jwa-Jin at ginamit nila ang taktikang gerilya laban sa mga Sobiyet at imperialistang Hapon (Gelderloos 2010, Ch2). Kilala rin si Kim Jwa-Jin bilang ang Koreanong Makhno dahil sa kanyang pagkakatulad sa rebolusyonaryong anarkista si Nestor Makhno ng Malayang Teritoryo ng Ukraine. Pero pinatay din si Kim Jwa-Jin ng kaniyang mga kaaway noong 1929 (MacSimoin 2005).
Ano ang pinapaniwalaan ng mga anarkistang Koreano? Ipinaglalaban nila ang pang-aapi at ang estado, ang kapangyarihan ng mga burgesya, mga maylupa, at imperyalismo. Nabuwag nila ang pribadong pag-aari at binuo nila ang sistema ng karaniwang pag-aari na hindi pang-estado. Sumunod sila sa komunistang prinsipyo na sa bawat isa ayon sa kanilang pangangailangan, at mula sa bawat isa ayon sa kanilang mga kakayahan. Binuo nila ang malayang komunismo mula sa sistemang may kasarinlan at awtonomiya kooperatiba ng mga manggagawa at magsasaka. Pinatunayan nila na gumagana ang isang sistemang pamamahala ng sarili sa halip ng pamamahala ng isang estado o ng at oligarkiya. Nais nilang bawiin ang Korea mula sa imperyalistang at kapitalistang Hapon. Tumanggi silang makipagtulungan sa mga kapitalistang Koreano at ayaw din nila ng isang independiyenteng Korea na pinamumunuan ng mga oligarkikong Koreano. Ang dekolonisasyon para sa mga anarkistang Koreano’y isang kusang pag-aalsa ng masa (Tokologo African Anarchist Collective 2014).
Sa dalawang taon, nagpalaya ang dalawang milyong tao kontra sa awtoridad ng mga maylupa, burgesya, at mga gobernador sa Shinmin. Sa dalawang taon, ipinahayag nila ang kanilang kapangyarihan upang makarating sa sama-ibang mga desisyon at upang ayusin ang kanilang pang-araw-araw na buhay. Dinepensahan din nila ang kanilang tahanan laban sa mga mananakop na Sobiyet o Hapon (Gelderloos 2010, Ch2).
Sa huli, idinurog ang Rebolusyonaryong Shinmin ng mga Sobiyet at mga imperyalistang Hapon. Ang proyekto ng mga anarkistang Koreano ay isang malaking pagbabanta sa imperyalismo ng mga Hapon at sosyalismong herarkikal ng mga Sobiet. Kahit panandalian lang yung Rebolusyonaryong Shinmin, ipinapakita nito na posible pala ang anarkismo at hindi lamang siyang konseptong kanluranin. Abot-kaya ang isang mas maningning na mundo kung nakikibaka tayo para mabuo ito. Kagaya ng sinabi ni kasamang Buenaventura Durruti, “Tangan natin ang bagong mundo rito sa ating puso, at sa bawat minuto’y ngao’y sumisibol.”