David Graeber
Anarkista Ka Ba? Alamin! [tl]

Sa pila ng jeep, kahit walang nakabantay, iiwasan mo bang makipag-unahan? May barkada ka ba, sports team, o parte ka ba ng isang grupo kung saan yung mga ginagawa ninyo ay pinagkasunduan ninyong lahat at ‘di lang ng isa sa inyo? Naniniwala ka ba na karamihan ng pulitiko ay korap at kurakot na wala namang paki sa ikabubuti ng madla? Sa tingin mo, nabubuhay ba tayo sa lipunan at sistemang walang kuwenta at di-patas? Naniniwala ka ba sa mga itinuturo mo sa anak mo (o sa mga pangaral ng magulang mo)?

Dec 29, 2020 Read the whole text... 13 pp.

Errico Malatesta
Anarkiya at Pamahalaan [tl]

Ang paniniwala na ang anarkiya ay isang kundisyon kung saan ang paligid ay magulo ay nagmula sa paniniwala na kinakailangan ang isang pamahalaan upang maayos ang takbo ng buhay ng mga mamamayan. Kasama din dito ang paniniwala na kung walang pamahalaan ay magiging magulo, maghahari ang iba at, gaganti ang mga naaagrabyado o naloko at ilalagay ng mga ito ang batas sa kanilang mga kamay.

Dec 29, 2020 Read the whole text... 11 pp.

Strangers In a Tangled Wilderness
Buhay na Walang Batas Introduksyon sa Pulitikang Anarkista [tl]

Ang anarkista ay isang tao na tumatanggi sa pangingibabaw ng iisang tao o uri sa iba. Ang anarkismo ay isang malawak na termino para sa isang grupo ng pilosopiyang pulitikal na nakasalig sa ideya na maari tayong mamuhay bilang mga anarkista. Ang gusto naming mga anarkista ay isang mundong walang bansa, gobyerno, kapitalismo, rasismo, seksismo, diskriminasyon kontra-LGBTQ+… isang mundo kung wala ni isa sa pagka-rami-raming nagkaka-halo-halong mga sistema ng pangiibabaw na nagpapabigat sa mundo ngayon.

Jun 27, 2021 Read the whole text... 31 pp.

Errico Malatesta
Dalawang Magbubukid (Entre Campesinos)
Mahalagang Salitaan Ukol sa Pagsasamahan ng̃ mg̃a Tao
[tl]

Ang anarkía pò’y nagkakahulugán ng̃ walâng pámahalaán. ¿Dî pò ba nasabi ko na yatà sa inyo, na yamang ang pámahalaá’y walâng saysay, kundî manangkilik lamang sa mg̃a ginoó, kayâ’t kung magkakatuusan, ay malinag na walâ tayong nararapat pakasikapin gaya ng̃ mahangahán ang kanilang nakasusuyà nang mg̃a paguutós sa atin? Sa lugál ng̃ ginagawìng paghahalal sa mg̃a diputado at mg̃a kagawad, na lumilikhâ ng̃ mg̃a kautusán at lumalabag (palibhasà’y nauukol lamang sa atin ang pananalima), ay tayotayo na rin ang magsisiganap ng̃ mg̃a bagaybagay na nauukol sa atin, at gayón din ang sa ibá pang bagay na kailang̃ang pagpasiyahán. Sakalìng mahigpit na kailang̃ang ipagkatiwalà pa sa isa ang ikatutupad ng̃ mg̃a pinagpapasiyahán natin, ay gayón ang ating gágawin at walâ na.

Jan 19, 2022 Read the whole text... 71 pp.

Errico Malatesta
Ang Programang Anarkista [tl]

Kaya, ayon sa aming dating sinabi, kailangan nating kumilos para gisingin sa mga inaapi ang kanilang kagustuhan sa kanilang kamalayan para sa radikal na pagbabago sa ating lipunan, at himukin silang magkaisa upang makamit ang tagumpay. Kailangan nating payabungin ang ating mga adhikain, ihanda ang mga pwersang materyal at moral upang magtagumpay kontra sa kakalabanin, at isaayos ang isang lipunang bago. Kapag natipon na natin ang ating lakas, kailangan nating gamitin ang mga pangyayaring kanais-nais kapag ito ay nangyari, o kapag nilikha mismo natin, para makamit ang himagsikang panlipunan. Dito, pupwersahing gibain ang gobyerno, at kakamkamin ang mga hindi makatarungang ari-arian ng mga mayayaman, para isalahat ang mga paraan ng pamumuhay at produksyon, at pigilan ang pagpapatayo ng mga bagong gobyerno na ipataw ang kanilang kagustuhan at umabala sa pagsasaayos ng lipunan ayon sa kagustuhan ng mga tao mismo.

Dec 29, 2020 Read the whole text... 23 pp.