Abolisyonistang Anonymous
Paano Magsimula ng Bodegong Bayan
Paano Magsimula ng Bodegong Bayan
Dumarami na ang mga community pantry o bodegang bayan na nagpapatunay na handa tayong magtulungan dahil tayo-tayo na lang ang maaasahan natin. Ngayong araw, pag-uusapan natin kung paano simulan ito para sa inyo komunidad, na paraan para makahanap ng marami pang taong gustong baguhin at palaguin ang ating mundo.
Paano ba magtayo ng bodegang bayan sa inyong lugar?
-
Magtawag ng mga kaibigan, kapamilya, kabarangay! Mas madaling gumawa kung hindi nag-iisa. Baka rin may mga kakilala ang mga kaibigan mo na gustong tumulong! Pero baka mas maiging panatilihing maliit muna ang grupo para madaling mag-usap.
Anong makakatulong? Magtanong sa pamilya o mga kapitbahay kung may kakilala silang gustong tumulong! Makakatulong ang gumawa ng group chat (GC) at siguruhing handang tumulong ang mga kasama. Baka okay ring mag-post sa Facebook o ibang social media kung gusto nilang tumulong!
-
Alamin kung ano ang mga kailangan para magsimula. Magandang tingnan kung ano ang pagkain na hinahain ng pamilya mo. Ano ang mga karaniwang sangkap? Baka maiging maglagay ng bigas, bawang, sibuyas, karne, delata, at iba pa. Pwede ring maglagay ng ibang mga kailangan tulad ng gamot, face mask, alcohol, atbp. Mahalaga ring maglista na ng mga kailangang kagamitan para itayo ang bodegang bayan, tulad ng karatula at mesa!
Anong makakatulong? Maglista at mag-imbentaryo sa spreadsheet o papel. Maliban sa pagkain o gustong ipamahagi, isulat din ang mga kagamitang kailangan ninyo ng mga kasama mong magtayo ng bodegang bayan.
-
Maghanap ng pwesto na madalas daanan. Depende rin kung gaano kadali mag-set-up sa lugar ninyo. Halimbawa, kung sa sidewalk magtatayo, dapat siguruhing hindi nakaharang sa daanan ang bodegang bayan.
Anong makakatulong? Pumili ng lugar na madali ninyong mapupuntahan ng mga kasama mo. Kung maraming dumadaan sa inyo, baka okay nang magsimula sa tapat o labas ng bahay mo! Kailangan din ng address na ibibigay sa ibang gustong magbahagi.
-
Maglatag! Pwede gamitin ang kahit anong mayroon kayo, gaya ng mga lumang shelf, lalagyanan ng sapatos, o kahit mga kahon at ibang pwedeng gamiting patungan. Maglagay ng karatula na nagpapaliwanag kung ano ang bodegang bayan! Maging creative! Imbitahan ang mga taong kumuha ayon sa mga kailangan nila at magbigay ng kung anong kaya nila. Ibahagi sa iba! At ’wag kalimutang mag-translate!
Anong makakatulong? Baka makatulong kung magbigay-alam sa barangay para panatilihing ligtas ang bodegang bayan.
Kapwa-Tulungan: Pakikiisa, hindi pagbibigay lang
Ang punto ay ang magtulungan tayong iangat ang isa’t isa, hindi tratuhin ang iba na kaawa-awa. Nag-aabot lang tayo ng kamay sa mga miyembro ng komunidad na kailangan ng tulong sa panahon ng malubhang kahirapan. Nandito tayo para ipaalalang maaasahan natin ang isa’t isa, at hindi na wala silang maiaambag o magagawa nang walang donasyon. Tutal, wala naman tayong ibang maaasahan kung hindi ang isa’t isa.
Mga Katanungan
Paano kung pakyawin? — Eh di mabuti. Nandiyan naman kasi ang community pantry o bodegang bayan para gamitin ng mga tao. Kahit pakyawin nang ilang beses, ang mahalaga ay handang tumulong at magbigay ang komunidad basta kaya. Magtiwala tayo sa isa’t isa!
Paano kung di naman agaran na kailangan ng tulong yung komunidad ko? — Kunin ang mga sobrang bilihan, mga PPE, o gamot na dala ng mga tao at maghanap ng mga bodegang malapit sa inyo upang ibigay, O pwede ring magsama-sama sa mga ka-barangay o ka-lugar niyo para magsimula ng sariling bodega.
Kaya ba ’tong panatilihin ng pang-matagalan? — Syempre! Dahil hindi nga lang ito pamimigay, kundi pakikiisa mula sa komunidad, hindi manggagaling ang mga kakailanganin mula sa nakakataas na malayo ang loobin, pero mula sa mga taong may pagmamalasakit sa mga mas nahihirapan sa buhay. Hindi mawawala ang ayuda dahil sa kawalan ng interes; nasa interes ng sarili ang tulungan ang isa’t-isa!
Hindi rin kayo nag-iisa! Nasa libo, kung hindi milyon, na ng tao sa buong mundo ang nakikiisa at nagmamalasakit kontra sa pandemyang COVID-19. Iilan ang mga nasa baba sa mga halimbawa ng mga proyektong ito, mula New York, Poland, Puerto Rico, at Brazil!
-
Finding the Thread that Binds Us: Three Mutual Aid Networks in New York City
-
Puerto Rico: The Road to Decolonization: Disaster Relief, Mutual Aid, and Revolt
Let a thousand pantries bloom!