Errico Malatesta
Dalawang Magbubukid
(Entre Campesinos)
Mahalagang Salitaan Ukol sa Pagsasamahan ng̃ mg̃a Tao [tl]
Ang anarkía pò’y nagkakahulugán ng̃ walâng pámahalaán. ¿Dî pò ba nasabi ko na yatà sa inyo, na yamang ang pámahalaá’y walâng saysay, kundî manangkilik lamang sa mg̃a ginoó, kayâ’t kung magkakatuusan, ay malinag na walâ tayong nararapat pakasikapin gaya ng̃ mahangahán ang kanilang nakasusuyà nang mg̃a paguutós sa atin? Sa lugál ng̃ ginagawìng paghahalal sa mg̃a diputado at mg̃a kagawad, na lumilikhâ ng̃ mg̃a kautusán at lumalabag (palibhasà’y nauukol lamang sa atin ang pananalima), ay tayotayo na rin ang magsisiganap ng̃ mg̃a bagaybagay na nauukol sa atin, at gayón din ang sa ibá pang bagay na kailang̃ang pagpasiyahán. Sakalìng mahigpit na kailang̃ang ipagkatiwalà pa sa isa ang ikatutupad ng̃ mg̃a pinagpapasiyahán natin, ay gayón ang ating gágawin at walâ na.