Tagalog
Abolisyonistang Anonymous
Paano Magsimula ng Bodegong Bayan
[tl]
Pëtr Kropotkin
Ang Panawagan sa Kabataan
[tl]
“...Kailangang itigil natin ang pagiging luho ng siyensya, gawin natin itong pundasyon ng buhay ng bawat isa. Ito ang hinihingi ng hustisya.”
Errico Malatesta
Ang Programang Anarkista
[tl]
Kaya, ayon sa aming dating sinabi, kailangan nating kumilos para gisingin sa mga inaapi ang kanilang kagustuhan sa kanilang kamalayan para sa radikal na pagbabago sa ating lipunan, at himukin silang magkaisa upang makamit ang tagumpay. Kailangan nating payabungin ang ating mga adhikain, ihanda ang mga pwersang materyal at moral upang magtagumpay kontra sa kakalabanin, at isaayos ang isang lipunang bago. Kapag natipon na natin ang ating lakas, kailangan nating gamitin ang mga pangyayaring kanais-nais kapag ito ay nangyari, o kapag nilikha mismo natin, para makamit ang himagsikang panlipunan. Dito, pupwersahing gibain ang gobyerno, at kakamkamin ang mga hindi makatarungang ari-arian ng mga mayayaman, para isalahat ang mga paraan ng pamumuhay at produksyon, at pigilan ang pagpapatayo ng mga bagong gobyerno na ipataw ang kanilang kagustuhan at umabala sa pagsasaayos ng lipunan ayon sa kagustuhan ng mga tao mismo.
Peter Gelderloos
Quico Sabaté: Anarkistang Gerilya
[tl]
Noong ika-lima ng Enero 1960, binaril ng mga pasista ang Katalanong na gerilyang anarkista si Quico Sabaté at sa wakas, siya’y namatay pagkatapos ng tatlumpung taon ng pakikipag-laban sa kapitalismo.
Alexander Berkman
Repormer at Pulitiko
[tl]
Ang problema ay hindi na marumi ang pulitika, ngunit na ang buong laro ng pulitika ay sira. Ang problema ay hindi dahil sa depekto sa pangangasiwa ng batas, ngunit na ang batas mismo ay isang instrumento upang mapasailalim at apihin ang mga tao. Ang buong sistema ng batas at gobyerno ay isang makina upang panatilihin ang mga manggagawa na maging alipin at nakawan sila sa pamamagitan ng kanilang paggawa. Bawat panlipunang “reporma” na ang pagsasakatuparan ay nakadepende sa batas at gobyerno ay gayon tiyak na tumatadhana sa kabiguan. Subalit, ang mga unyon! Sigaw ng iyong kaibigan; ang unyon ng manggagawa ay pinakamahusay na tagapagtanggol ng mga manggagawa.